Sixteen

23.3K 417 18
                                    

Eros Pov



Umaga na pero parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko para akong lalagnatin. Sana panaginip na lang lahat ang nangyari kagabi. Sana hindi na lang ako pumasok dun at sana hindi ko pa na basag ang vase, edi sana. Huhuhu.




'You! You are not my son!'





"Daddy...." Sana panaginip lang din 'yung mga sinabi nya.



*knock knock*




"Baby..." si yaya sionne. "O, bakit ka na naman umiiyak?" Tanong nya sa akin. "Yaya, hindi na ba ako pwede dito sa house?" Dahil kahit na sabihin nila na hindi totoo ang sinabi ni daddy kagabi, kung ayaw nya naman na ako dito.



"Baby, house mo di 'to." umupo sya sa gilid ng bed ko, tapos niyakap ako. "Pero ayaw nya sa akin dahil kay Vince naman 'to diba?" Wala naman akong ibang gusto kundi makilala lang ako ni daddy, at ang makilala si mommy.


-


Pagkababa namin ni yaya Sionne sa kitchen, akala ko maabutan ko dun si daddy. Pero si yaya Pearl lang ang nandun.


"Umalis na po ba si..." naalala ko naman ang nangyari kagabi. "....p-pwede ko naman syang tawagin na daddy diba po?" Nag aalangan akong tawagin syang daddy, baka marinig nya at pagalitan na naman ako.



"Baby, diba sabi namin sayo daddy mo sya." I nod. Dahil sa nangyari kagabi feeling ko nag iisa na ako. Hayy. Mag isa lang naman talaga ako.



Ibinalik ko ang tingin sa kanila yaya na ngayon ay kumakain kasabay ko. Tinitingnan ko sila isa isa, kasi sana makasabay ko naman kumain si daddy't mommy. Pero imposible naman 'yun diba?

-



Tahimik lang kami nila yaya na kumakain nung bigla kong maalala.



"P-pwede ko po ba silang makilala?"



"Makilala? Sino?" Si yaya Pearl ang nagtanong at mukhang naguluhan. "Sila Vince po at Ms. Elena po, gusto ko po silang makilala."



"Taposin mo muna ang pagkain mo, saka tayo pupunta dun." Napatingin ako kay yaya Pearl sa sinabi nya. "Talaga po?" Tumango lang sya, si yaya Sionne naman sumang ayon lang kay yaya Pearl.



Kung ganun makikilala ko na ang sinasabi ni daddy na anak nya at ang babaeng mahal nya.



Hapon na nung dumating kaming tatlo sa cemetery. Naka upo ako sa may harap nila at may hawak akong dalawang flowers para sa kanila.



Vince R. Standford



Elena D. Romero




"Hello po sa inyo..." pagpapakilala ko sa kanila. "Ako ko po si Eros Kiel Standford." Bakit ganun na iiyak naman ako habang nakatingin sa kanila? Dahil ba sila ang kinikilala ni daddy na family? At hindi kami ni mommy?



"Gusto ko lang po kayo na makilala..." Nasa malayo lang sila yaya Pearl at yaya Sionne na tahimik na nakatingin saken. "...alam nyo po ba? Na love na Love po kayo ni daddy."


At minsan ba minahal din ni daddy si mommy?


Kwento ko sa kanila kahit na hindi na nila ako nadidinig. Totoo 'yun kasi hindi magagalit si daddy sa amin kung hindi nya love sila. Love?


"Sana po kung may nagawa po si mommy sa inyo.." Tahimik ako na umiiyak sa harap ng puntod nila. "...sana po mapatawad nyo na po sya." At sana po mapatawad na sya ni daddy at matanggap nya na po ako. Huhuhu.



***



Yaya Pearl's Pov



Tahimik kami na nakatingin sa bata mula sa malayo. Kahit malayo kami, alam namin na umiiyak sya at masakit sa kanya ang mga nangyayari.



Hindi dapat sa amin manggagaling ang lahat kundi dapat, ang mommy nya mismo ang magpapaliwanag ng lahat.



"Alam mo ba? Kung hindi lang kay Eros matagal na akong umalis sa bahay na'yun..." saad ni Sionne. "...kung hindi lang ako naawa sa bata umalis na ako." Sya habang nakatingin sa bata na tahimik na humihikbi.



"Kahit ako, kahit na ako ang nagpalaki kay Shin gusto ko na din syang sukoan...." Kung hindi lang din sa anak nya, ewan ko lang. Hayy! "...mabuti pa kukuha muna ako ng mga bimpo para sa bata, ha? Bantayan mo muna sya." Sabi ko sa kanya.



Medyo malayo din ang kinaruruonan ng sasakyan namin at kung saan sila Sionne. Kaya medyo na tagalan ako sa pagpunta sa kotse.



Nang matapos akong kuhanin ang mga bimpo para kay Eros. Nang may bigla akong may nararamdaman na papalapit sa akin. "Sionne, sana hinintay nyo na la-"



"Long time no see, yaya Pearl." Nakatingin sya sa akin at ako naman ay hindi makagalaw sa kinatatayuan dahil sa sobrang gulat.



"A-anong ginagawa mo dito?" Nasabi ko nung nakabawi na ako sa pagkagulat.




---



A/N : Happy Holloween... muwahahaha ~ ^,...,^ And again THANK YOU po sa mga nagbabasa nitong puchuchu ko na story...I LOVE YEAH ALL!!! ♡♡♡

My Cold Hearted Daddy (Completed) #Watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon