Chapter 1: First Meet
Lorraine's POV
Ako nga pala si Lorraine Olivia Lavinia De Guzman. 16 years old na ako. Kasalukuyan akong naghuhugas ngayon ng pinggan. Ang totoo niyan naghihirap na kami ni Nanay. Namatay kasi yung tatay at kapatid ko dahil nabunggo sila ng sasakyan noong 5 years old palang ako.
Birthday ko nung nangyari yung insidente na 'yun. Halos mabaliw kami ni Nanay dahil sa harap pa naming mismo 'yun nangyari. Nakaluhod ako sa harap ng aking kapatid samantala si Nanay pilit na niyuyugyog yung katawan ni Tatay. Kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano sila mabunggo. Puno ng dugo yung katawan nilang dalawa. Sinugod namin sila sa hospital pero huli na ang lahat. Binawian na sila ng buhay.
Napabuntong hinga ako. Ayoko na 'yun maalala. Isang malaking bangungot lang 'yun sa akin. Nagulat ako nang may pumatak na luha sa kamay ko. Dali- dali ko 'yun pinunasan. Hays! Napailing ako. Ayoko magdrama! Magtrabaho ka nalang Lorraine!
"Hoy! Lorraine! Nakatulala ka nanaman diyan! Tapusin mona yung trabaho mo at pumunta ka dito! Bilisan mo!" narinig kong sigaw ni Ate Joy
Huminga ako ng malalim "Opo!" sigaw ko
Siya si Ate Joy. Siya yung may ari ng karenderya. Malaki yung naitulong niya sa amin ni Nanay. Siya lang kasi yung napag-uutangan namin. Kaya pinilit kong makapasok dito para magtrabaho. Tsaka para makabawi na rin ako sa mga naitulong niya sa akin. Tinapos kona yung paghuhugas ng pinggan. Pinunasan ko na yung kamay ko at lumabas na sa kusina. Tumingin ako sa wall clock. 8:00 pm na. Magsasara na yung karenderya. Kailangan ko nang maka uwi.
Pagkakita ko kay ate Joy na naka upo sa isang upuan. Kumuha ako ng isang maliit na bangko at umupo kaharap niya.
"Ate Joy? Bakit niyo ako tinatawag?" tanong ko
Huminga muna siya ng malalim bago sumagot "Oh Eto yung sweldo mo! Sige umalis kana! Bilis!" sabi niya sabay hatak sa akin.
Kinuha ko yung sobre at lumabas na ako sa karenderya. Muntik pa nga akong madapa dahil sa kakatulak niya. Napahawak ako sa likod ko. Ang sakit! T__T
Hinimas himas ko yung likod ko at sinimulan nang maglakad. Tumingin ako sa paligid. Wala nang masyadong taong dumadaan. Kinuha ko yung cherry mobile na cellphone ko para tignan kung may text na galing kay Nanay. At hindi nga ako nagkakamali. Eto yung bumungad sa akin.
From Nanay kong ubod ng Ganda (wag na kayo magtaka kung bakit maganda yung nakalagay diyan. Nanay ko yung nagpangalan niyan. Asa nalang kayo na ako yung magpangalan niyan -_-)
*Hoy Lorraine! Gabi na! Asan ka bang bata ka? Umuwi kana! Miss na kita!*
-_____-
Binulsa ko na yung cellphone ko. Kailangan ko nang maka uwi. Gabi na. Naghanap ako ng pilahan ng tricycle pero wala nang tricycle. Kinuha ko ulit yung cellphone ko para tignan kung anong oras na. 8:50 na! Waaaaaaaah! Patay! Nag hanap-hanap ulit ako ng tricycle pero wala na talaga akong makita! T__T
"Patay ako niyan!" bulong ko
Hays! Wala na akong choice kundi maglakad nalang. Tsaka mabuti narin 'to. Tipid sa pamasahe.
Habang naglalakad kinuha ko yung sobre sa bulsa ko at binilang kung ilan yung sahod ko ngayon. Langya! 100 lang? Pero sabagay taga hugas lang naman kasi ako ng plato at pinggan kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganito yung sahod ko. Minsan pa nga eto yung pinakamataas kong sahod.
"Hays! Okay narin 'to"
Sinimulan ko ulit maglakad. Hmm eh kung bumili kaya ako ng napkin? Meron kasi ako ngayon at naubos na yung lahat ng napkin sa bahay. Dumaan ako sa pinakamalapit na tindahan at bumili. Medyo kinabahan ako dahil may mga nag-iinuman pala dito.
BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Teen Fiction|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.