Chapter 47: He's Broken
Lorraine's POV
"L-lance?"
Napatingin sa akin si Pinky. Nagulat siya nung makita niya ako. Napatayo siya habang hawak- hawak yung tiyan niya.
"L-lorraine" nanginginig niyang sambit.
"A-ano ibig sabihin nito?"
"A-ano..."
"T-totoo ba yung narinig ko kanina? Na siya yung ama? K-kailan pa?" nanginginig na yung boses ko. Hindi sa lungkot, kundi sa galit.
"L-lorraie--"
"Totoo ba?" mahina kong tanong.
"Lorraine---"
"TOTOO BA?!" napasigaw na ako. Bumuhos na yung luha ko.
"Yes! Totoo!" sigaw niya at napahawak siya sa mukha niya. Tinakpan niya ito habang umiiyak.
Dahan- dahan akong lumapit sa kanya at hinawakan ko siya sa balikat niya.
"B-bakit? K-kailan pa?" nanghihina na ako. Parang ayoko ng marinig yung iba pa niyang sasabihin.
"M-matagal na! Bago pa magpasukan. Kami na ni Lance. Nainis kasi ako dahil...d-ahil iniwan ako ni Jach. Umalis siya para lumipat dito! Sinabi niya sa akin yung dahilan na kaya siya lilipat dito dahil dito niya itutuloy yung pag-aaral niya. Pero ayoko pumayag. A-ayokong maiwan. Mahal ko siya kaso iniwan niya parin ako. At nung mga time na iyak ako ng iyak andiyan yung pinsan niya para samahan ako. Andiyan siya palagi sa tabi ko at hindi niya ako iniwan."
"At doon ako nakaisip ng plano. Plano na maghiganti sa kanya. Sa pangiiwan niya sa akin. Nakipagbalikan ulit ako sa kanya nung makapunta ako dito. Akala ng mga kaibigan niya na kami parin pero nagkakamali sila. Naging sweet ako sa kanya tulad nung ginagawa ko dati. Kunyaring nagseselos sa kanya si Lance para mas effective yung plano. Kaya ko 'yun ginagawa para mas lalo siyang mahulog sa akin. At noong nalaman kong tuluyan na siyang nahulog tsaka ko sinabi sa kanya na buntis ako."
Walang hiya siya. So after all, this is just an act. A lie.
"At noong malaman niya 'yun hindi na ako pumasok. Buntis ako eh. Matagal na 'to. Hindi lang ako naglilihi. Lumalaki na yung tiyan ko kaya napapadalas yung absent ko dati. At lahat ng sinabi sa'yo ni Lance, it's all an act. Lahat ng pag-iyak niya acting lang 'yun."
Pasalamat ka dahil buntis ka, pero kung hindi. Baka kanina pa kita sinuntok.
"Matagal na akong may gusto kay Lance. Nauna ko siyang magustuhan kaysa kay Jach. Nauna lang manligaw si Jach. Sinagot ko siya at nahulog rin ako sa kanya. Pero nung iniwan niya ako, doon na ako nagalit ng sobra. Hindi ko alam na masasaktan pala niya ako ng sobra."
May naalala ako. "Nung aksidente ka daw hinulog ni Jach sa hag--"
Pinahid niya yung luha niya "Ahh 'yun ba? Hindi pa ako buntis nun. Matagal naman na kasi 'yun. "
Pumikit ako ng mariin "P-pero bakit? Bakit mo parin 'to ginagawa sa kanya? Hindi kita maintindihan" bulong ko
"L-lorraine. Galit ako sa kanya. H-hindi ko lang kasi matanggap na...na iniwan niya ako kaya ko 'to nagawa. Nung isang linggo ko pa sinabi sa kanya at alam kong hindi rin siya pumapasok dahil sa nalaman niya. Alam kong sobra ko siyang nasaktan pero dapat lang 'yun sa kanya dahil iniwan niya ako"
Ngumisi ako "Pero kung titignan mo sa sitwasyon, Pinky. Mas masakit sa part ni Jach. Minahal ka niya, at kitang- kita ko 'yun sa mata niya. Ikaw kaya malaman mo na nabuntis pala ng pinsan mo yung babaeng mahal niya, hindi ka ba masasaktan? Sobrang babaw mo. Pasalamat ka dahil buntis ka. Dapat lang sa'yo na maagang nabuntis." 'Yung inakala kong kaibigan, demonyo pala. Shet lang.

BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Fiksi Remaja|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.