Chapter 8: He Help me? O__O
Lorraine's POV
"Ang saya ko Lorraine hindi ko akalain na makakatabi ko pala si Pinky. Ngayon ko lang siya naka usap na ganon katagal"
"Tapos kanina tinanong ko siya kung pwede kaming maging magkaibigan at alam mo kung ano yung sagot niya? 'Oo!' Whooooo! Sa wakas!" pagkwekwento ni Lance
Ako namang si gaga tango ng tango sa mga sinasabi niya. Sa totoo lang medyo naiirita ako. Wala siyang ibang sinasabi kundi si Pinky. Hindi naman ako galit pero medyo naiinis na talaga ako. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis siguro hindi lang talaga ako relate.
Nakakainis -____-
"Eh ikaw Lorraine? Masaya kaba na katabi yung pinsan ko? Mukhang kanina kapa kasi nanginginig" sabi ni Lance
Natigilan ako. Napansin pala niya 'yun.
Buti nga kanina nakalabas ako agad. Akala ko nga ako yung lalapitan niya pero si Pinky pala.
Hays! Buti talaga at hindi niya ako tinorture.
Kung maka tingin kasi, ang sama T___T
"Gutom kana ba?" tanong ni Lance
Tumango ako. Gutom naman na talaga kasi ako. Kanina pa kami andito sa ilalim ng puno. Dito sa park.
"Haha! Sige tara!" at tinulungan niya akong tumayo
Pinagpagan ko yung likod ko at kinaladkad niya na ako.
Habang naglalakad naka akbay sa akin si Lance.
Yung mga babaeng nadadaanan namin tinitignan ako ng masama (_ _ )
Ako naman namumula na.
E-h kasi naman! Naka akbay sa akin si Lance!
Kahit na alam kong wala lang 'to sa kanya pero para sa akin...
KINIKILIG AKO!
Crush kona talaga 'tong bestfriend ko.
Kahit na bestfriend lang yung tingin niya sa akin. Pero ako iba yung nararamdaman ko para sa kanya.
Pagkarating namin sa Cafeteria naghanap na kami ni Lance ng bangko.
"Ako na bibili. Libre na kita" sabi ni Lance
Akmang pupunta na siya sa counter nang pigilan ko siya. Napatingin siya sa akin.
"Bakit???" tanong niya
Ngumiti ako "Ako na yung bibili. Nakakahiya na kasi sayo ikaw lagi---"
Pinigilan niya ako "No Lorraine. Ako yung lalaki kaya---"
"Please Lance ako naman. Nakakahiya na kasi sayo" sabi ko sabay ngiti
Ngumiti rin siya... "Pero pera mo yung ipambibili ko" tuloy ko sa sinasabi ko kanina
Natawa naman siya ng malakas. Eh? Ano yung nakakatawa? Seryoso ako -__-
"Hahahahahahahaha! Okay ikaw na yung bumili pero babantayan kita ah?" sabi niya habang tumatawa
Tumango na ako at kinuha sa kanya yung pera.
Naglakad na ako papunta sa counter at bumili.
Pagkayari kong bumili ng pasta, lasagna, pizza, cheesecake at Strawberry shake naglakad na ako pabalik sa upuan.
Nakita ko si Lance na tumayo para tulungan ako.
Napangiti ako.
Ugh! Ang bigat nung tray. Hinawakan ko ito ng mahigpit. Baka malaglag eh.
BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Tienerfictie|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.