Chapter 15: My first---waaaaah!
Lorraine's POV
Andito ako ngayon sa clinic, nakahiga sa higaan at nagpapahinga. Hays! Ang sakit ng katawan ko. Parang binugbog ako ng ilang beses ah T^T
Umalis muna yung nurse para kumuha ng ice. Namamaga kasi yung kanan kong pisngi. Isipin niyo sapakin ba naman ako ng lalaki. Kalalaking tao nananapak! -____-
Hays! Buti nga dahil hindi ako nakita ni Lance na papunta dito sa clinic. Ayokong mag-alala sa akin yung bestfriend ko noh.
At yung Jach na 'yun hindi man lang ako sinamahan papunta dito! Ugh! Pero sabagay asa nalang na samahan nga ako 'nun -____-
Pero sa tuwing naaalala ko yung nangyari kanina parang may iba akong nararamdaman. Bakit nung makita ko siya kanina nung may nangyayari sa akin na masama parang siya yung......kailangan ko.
Napailing ako. Waaaaaaaaaaaaaaah! ano ba 'tong mga pinagsasabi ko! Kainis!
Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Siguro yung nurse. Tumingin ako sa pinto para tignan yung nurse na papasok. Nanlaki yung mata ko. Akala ko nurse yung dumating pero...
"Lorraine!!!" sigaw niya
Bigla nalang siyang tumakbo papunta sa akin at inakap ako ng mahigpit! Waaaah! Hindi ako makahinga! Masyado siyang mahigpit kung umakap!
"Ugh!"
"Oh sht! Sorry!" sabi niya
Dali-dali siyang humiwalay sa pag kaka-akap sa akin at tinignan ako. Hinawakan niya ako sa aking balikat at pinagmasdan yung mukha ko.
Nag-iwas ako sa kanya ng tingin. E-h nakakailang kaya. Ramdam kong sinusuri niya yung mukha ko kaya pinilit kong yumuko para hindi niya makita yung mukha ko.
"Lorraine"
Pero hindi ako tumingin sa kanya. Nakayuko lang ako.
"Lorraine look at me"
Nakayuko parin ako. Ayokong tumingin sa kanya dahil maiilang lang ako.
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan yung baba ko at hinarap niya yung mukha ko sa mukha niya. Ngayon na magkaharap na yung mukha namin hindi ko maiwasan na mamula.
>/////////<
"Lorraine. Hindi mo ba alam na nag-aalala ako sa'yo? Ano yung nangyari sa mukha mo? sino gumawa nito?" galit niyang tanong
Pinilit kong maka iwas sa tingin niya pero taksil yung mata ko. Nakipagtitigan 'rin ako sa kanya. Kung nakakatunaw lang yung mga titig niya ay baka kanina pa ako tunaw.
"Wala lang 'to. Okay lang ako" lakas loob kong sinabi
Nakita kong kinuyom niya yung kamay niya. Halatang galit siya at handa na siyang manuntok. Bakit siya galit? Okay lang naman ako.
'Pero sa totoo lang masakit parin yung katawan ko'
Pero siyempre hindi ko 'yun sasabihin sa kanya. Ayoko siyang mag-alala noh.
"Okay lang naman ako...Six" sabi ko
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan yung buhok niya at inis na inis niya yung hinagod. Langya! Nang aakit ba siya?
"Ugh! Lorraine! Paano mong masasabi na okay ka lang kung namamaga na yung pisngi mo!"
Nangingnig na siya at halatang galit siya. Dahan- dahan akong tumayo kahit na masakit yung katawan ko at hinawakan siya sa balikat para pakalmahin siya.
Huminga ako ng malalim "Six..Okay lang ako. Wag kang mag-alala. Nadapa ako kaya ito namamaga. Tumama yung pisngi ko sa bato" pagsisinungaling ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Ficțiune adolescenți|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.