Chapter 46: The TRUTH

43 3 3
                                    

Chapter 46: The TRUTH

Lorraine's POV

Hindi ako mapakali. Si Jach yung ama kaya siya bumibili ng mga gamit? P-paano?

"Guys, ano ba kasi nakita niyo? Kanina pa kayo tulala" sabi ni Silver sabay kaway sa sa mukha namin ni Bryler.

Hindi kami sumagot. Tulala parin kami. Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. Tulad ng: Si Jach yung ama? Si Jach ba yung ama? Weh? Si Jach ba talaga yung ama? 'Yan yung mga tanong ko.

Pero last na, si Jach ba talaga yung ama?!

"Kuya, sa tingin ko dapat na natin silang dalhin sa mental"

"Sige, payag ako. Kanina pa sila ganyan. Kanina pa nila hindi ginagalaw yung pagkain. Nakakapagtaka"

Andito lasi kami sa may restaurant ngayon. Umorder si Zhico ng isang malaking pizza. Pero sila palang yung gumagalaw sa pizza. Magkatabi kami ni Bryler at nakatulala kami sa kawalan. Hindi ko alam kung paano kami nakapaglakad papunta dito. Basta pagkayari kong makita yung nangyari kanina basta nalang kaming pumasok sa sasakyan at umalis.

Si Jach yung ama? Pero parang ang aga naman?

"HUY!"

Sabay kaming napakurap ni Bryler ng biglang sumigaw si Silver sa harapan namin. Napatingin sa amin yung ibang tao pero agad din silang nag- iwas ng tingin. Tumingin ako kay Silver at nakita kong naka-pout na siya.

"Guys, sabihin niyo nga. Ano ba kasi yung nangyari kanina habang tulog kami?"

Tumingin ako kay Bryler. Tumingin rin siya sa akin. Tumingin ako kay Silver. Tumingin si Bryler kay Zhico. Nagkatinginan yung magkapatid at tumingin sa akin si Silver ng naka poker face.

"Sige, magtinginan nalang tayo"

Pumikit ako "I know that this may sound crazy but Jach is---"

Nanlaki yung mata ni Silver "PATAY NA SI IDOL?! Hindi pwede, wala pa yung autograph ko! Malas naman---"

Sinubo ko sa bunganga niya yung pizza, "Pwede ako naman? Hindi pa ako tapos. Anyways, sa ngayon...ano.. ahm"

"Ano?" Zhico sabay kagat ng pizza.

Nagkatinginan kami ni Bryler "Ama na si Jach" mahina naming bulong.

Biglang binuga ni Zhico yung kinakain niyang pizza sa mukha ni Silver. Napatayo si Silver at minura niya si Zhico.

"Shet! Dugyot ka!" sigaw niya at nagtatakbo siya sa comfort room.

Uminom si Zhico sabay pabatong nilapag yung baso "ANO?! Totoo ba 'yang sinasabi niyo?!" sigaw niya

"Shhh!" suway sa amin nung mga tao kaya nag sorry sa kanila si Zhico.

Tumango ako "Oo, ama na siya. Nakakagulat nga eh. Nakita kong pumasok siya sa bahay nila Pinky kanina at nakita kong buntis si Pinky"

Napailing siya "Ang aga naman. I mean they're both young! They are still students! Tulad natin. At si Pinky? Ang aga para sa kanya. She's too young. Sayang ang ganda pa naman niya" sabi nito na para bang nanghihinayang.

"Wag mong sabihin na may gusto ka kay Pinky?" tanong ko.

"Dati. Kaso may boyfriend" sabi niya

Napatango ako at may bigla akong naalala. Agad akong napatayo. Biglang nalaglag sa sahig yung isang slize ng pizza. Nanlaki yung mata ni Zhico at slowmotion niya itong sinalo. Sumigaw pa siya ng napagkahaba-habang 'No' Pero too late na siya dahil nalaglag na yung pizza. Lumuhod siya at binuhat niya yung pizza habang umiiyak.

Maid For Rent (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon