Chapter 36: Shocking revelation

52 3 6
                                    

Chapter 36: Shocking revelation

Lorraine's POV

Naaalala ko.

Lahat naaalala ko. Simula nung makarating kami sa party hanggang sa hinalikan ako ni Bryler kagabi.

Ramdam kong namumula ako. Bakit ko ba ginawa 'yun kagabi? Naiinis ako sa sarili ko.

At ngayon hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap kay Bryler. Paano na yung pagmamahal ko kay Lance? Nawala na ba? Pero mukhang meron pa. Missing in action lang talaga siya.

Asan nga ba siya? Hindi na siya madalas na pumapasok. Yung totoo? Nawalala siya at minsan lilitaw. Hindi man lang sinasabi sa akin kung saan pupunta. Bwiset.

At shet! Ang sakit ng ulo ko! May hangover pa ata ako. Tss buti nalang hindi napansin ni Ina.

"Nanay papasok na po ako"

"Ingat ka nalang. By the way hindi ka ba susunduin ni Six?"

Napabuntong hinga ako "Busy sa girlfriend" sabi ko

Nagulat ako ng tumama bigla yung mukha ko sa pintuan. Napunta sa likod yung dalawa kong kamay at para bang nahuli ako ng pulis sa lagay ko ngayon.

"Aray!"

"ANO?! May girlfriend na si Six?! Sino naman?!" sigaw ni Nanay

Napa- aray ulit ako. Syete! Ang sakit!

"Si Bianca"

"SINONG BIANCA 'YAN?!" Sigaw nanaman niya

"Aba malay ko! Hindi ko nga rin kilala 'yun! Basta ang alam ko lang girlfriend siya ni Six, period!"

"Aba't! Hintayin mo ako Lorraine! Sasama ako sa'yo papunta sa school. Kailangan ko munang makilala 'yang Bianca na 'yan!" desperadang sigaw ni Nanay

Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko, tatawa ba ako o hindi? Hindi halatang baliw siya kay Six.

"Nanay! Bitawan mo nga ako! Papasok na ako" sabi ko

Binitawan niya ako. Umalis na siya. Pagkabalik niya may dala siyang gulok. Nanlaki yung mata ko.

"ANO YUNG GAGAWIN MO DIYAN?!" sigaw ko sabay takbo

"SASAMA NGA AKO SA'YO! UNLI LANG?! TARA NA ANAK! AYOKO NG MAGPATUMPIK TUMPIK PA!" 

"BAKIT PA TAYO NAGSISIGAWAN?!" sigaw ko

"ABA MALAY KO!" sigaw rin niya

"NANAY! TIGILAN MO NGA AKO SA GANYAN! Baka makapatay ka!" 

"No! Hindi pwede! Kailangan ko siyang mapatay! Inagaw niya sa akin si Six!"

Bago pa man siya lumabas may kumatok sa pinto. Nagkatinginan kami ni Nanay at nag unahan kaming nagbukas ng pinto. Sorry siya dahil ako yung unang nakahawak sa pinto. Binuksan ko na yung pinto at laking gulat ko ng makita ko siya.

"Oh? Anyare anak? Sino ba--"

"J-ach?" tanong ni Nanay

Oo tama kayo ng pagkakabasa, pero kung naririnig niyo yung sinabi ni Nanay tama rin kayo ng pagkakarinig. 

Si Jach! Andito siya! Sa harap ko, nakatayo, humihinga, may buhok, may paa, may kamay---yung totoo Lorraine? Malamang may kamay at paa siya, hayop siya eh. 

Just kidding about that. Tumingin ako kay Jach. At ganun rin siya. Ano yung ginagawa niya dito? Matapos ang ilang araw na hindi siya nagpakita, bigla siyang nagpakita sa akin? At bakit sa akin pa?

Maid For Rent (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon