Chapter 20: How Romantic...part 2 :)
Lorraine's POV
Pagkarating ko sa bahay nila Jach galing sa mall kumatok na ako sa pintuan. Grabe! Ang bigat- bigat ng mga dala ko! Kainis! MASASAKAL KO NA TALAGA 'YANG SI JACH!
Bwiset! Bakit ang tagal naman nilang buksan yung pinto? Kumatok ulit ako ng ilang beses. Hanggang sa tinadtad ko na ng katok yung pintuan nila. Grabe! Ang sakit na ng kamay ko T____T
Hindi pa ako tumitigil sa kakakatok hanggang sa biglang bumukas yung pintuan kaya natamaan ko yung nagbukas nun.
O__________O
"Waaaahhh! Sorry! Hindi ko sinasadya! Ikaw naman ang tagal mo kasing----S-ix?"
Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin kaya nabitawan ko yung mga gamit na hawak ko. Hala! Baka may masira dun! Mahal pa naman 'yun! At iba pa naman yung nagbayad nun T^T
Pero balik tayo sa nangyayari ngayon...
BAKIT AKO YAKAP- YAKAP NI SIX?! WHAT'S THE MEANING OF THIS?! O_O
Ramdam kong namumula yung mukha ko dahil sa ginawa niya. Shemay! Six! Bakit ka bigla- bigla nalang nang a-akap? Eh kung gantihan kaya kita diyan? >:)
"S-ix? An---"
"Shhhh. Hayaan mo muna tayong ganito" sabi niya habang hinahaplos yung buhok ko. Parang ang lungkot ng boses niya o baka guni- guni ko lang 'yun?
Natahimik ako. Pero tulad ng ng sinabi niya. Hinayaan ko nalang siyang naka-akap sa akin. Kasi alam kong may problema siya kaya hahayaan ko muna siya. Mamaya ko nalang aalamin 'yun at tutulungan siya. Medyo naiilang ako dahil ramdam ko yung hininga niya sa leeg ko *lunok*
Hays! Six! Ano ba! Gustuhin ko mang tumagal yung pag-yakap mo sa akin pero...
Shemay naman kasi! BAKIT ANG BILIS NG TIBOK NG PUSO KO?!
Pulang- pula na panigurado yung mukha ko ngayon. Jeez! Akala ko kay Lance lang bumibilis yung tibok ng puso ko. Pero...pati rin pala kay Six? May ibig sabihin ba' yun? :/
Siguro nagulat lang ako kaya mabilis yung tibok ng puso ko. Dahil una, nung pagkabukas ng pinto bigla nalang niya akong inakap. Pangalawa, sabi niya hayaan ko daw siyang yakapin niya ako. KAYA SINO YUNG HINDI MAGUGULAT SA MGA KINIKILOS AT SINABI NIYA DIBA?!
"A-h eh, Six? Pwede bang bitawan mo na ako? Kailangan ko pa 'tong ibigay kay Jach"
Pagkarinig na pagkarinig niya sa sinabi ko agad siyang humiwalay sa akin.
Nakita kong napatingin siya sa mga gamit na nabitawan ko kanina. Agad siyang tumingin sa akin ng nakakunot yung noo.
Agad naman akong napa-atras sa tingin niya. Bakit ganun siya makatingin? Parang sinasabi niyang 'Ano ibig sabihin nito?'
Napatingin ako sa mga gamit na nabitawan ko kanina. Ano ba meron dun? Pinabili lang naman 'yan ni Jach sa akin---
O________O
Patay! Hindi pa nga pala alam ni Six na maid ako ni Jach!
"Bakit mo 'to ibibigay kay Jach?"
Napayuko ako. Siguro kailangan na niyang malaman na maid ako ni Jach. Wala naman kasing sikretong hindi nabubunyag.
Teka nga! Wala namang sinabi si Jach na huwag ko 'yun ipagkalat diba? So pwede kong sabihin kay Six yung sitwasyon namin ni Jach .___.
Tsaka kaibigan ko si Six. May tiwala ako diyan :)
"A-h Six. Ang toto---"
"Ano ang totoo Lorraine?"
Agad akong napa-angat ng tingin ng bigla niya akong hawakan sa magkabila kong balikat. Jeez! Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Six! Ano ba! Paniguradong namumula na ako ngayon! >___<
BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Novela Juvenil|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.