Chapter 56: Who is she?

30 3 0
                                    

Chapter 56: Who is she?

AN: Guys! Mahaba po ito! Enjoy lang ah!

---

Lorraine's POV

"Kaya mo 'yan!" pinunasan ko siya ng panyo sa noo. Kakatapos lang ng pratice nila at papunta na kami sa baseball stadium.

"I know. Cheer mo ako ah?" ngumiti siya.

"Oo naman! Kami ni Silver! Diba Silver?"

"Yes mommy" sabi niya habang kumakain ng lollipop. Napabuntong hinga nalang ako.

Andito na kami ngayon sa may sasakyan. Kasama ko sa loob si Bryler, Silver, Carl at Tiffany. Si Zhico, Six at Jach nasa isang sasakyan kasama yung ibang kateam nila. Ayaw sumama sa kanila ni Bryler dahil wala daw akong kasama. Eh kasama ko naman yung tatlo kaso makulit siya kaya sumama parin siya sa akin.

"Bakit siya andito?" tanong ni Carl sabay tingin kay Tiffany.

"Masama bang sumama ako?" mataray na tanong ni Tiffany.

"Opps Tiffany! Dapat mabait" paalala ko sa kanya.

Bumuntong hinga siya sabay pikit "S-sorry...sino ka nga?" tanong niya kay Carl.

"Wow! Kilala kita pero ako hindi mo ako kilala?!" naiinis na saad ni Carl.

"Kailangan pa ba kitang kilalanin?" tanong niya sabay taas ng kilay. Nag cross arms pa siya. Napapikit ako. Bumabalik nanaman siya sa pagiging mataray niya.

"Hindi. Pero ang unfair eh! Kilala kita tapos ako hindi mo ako kilala? Tsk. Oo nga pala, "sikat" ka nga pala sa school. Ikaw nga pala ang campus queen!" aniya sabay irap. Taray mo naman Carl!

"Wow. Thanks ah? So what if I am the campus queen? Sila lang naman ang tumatawag sa akin nun. Wala nga akong pake sa mga nicknames na tinatawag nila sa akin. Bitch" nag flip pa ng hair si Tiffany bago humarap sa may kabilang side. Humarap rin sa kabilang side si Carl habang naka cross arms. At nasabi ko na ba sa inyo na nasa gitna nila si Silver?

"Everyone are so weird today" sabi ni Silver sabay kibit balikat.

"Tama na nga guys! Mukhang mag-aaway pa kayo! Tiffany siya nga pala si Carl. Kaibigan ni Six" sabi ko sabay ngisi.

Nanlaki yung mata niya "O-M-G Bryle! I'm so sorry!"

"Bryle?! CARL! It's CARL! Not Bryle!" sigaw ni Carl. Natawa nalang ako.

"Sorry! Okay, Carl sorry! Sorry okay? Sorry!"

"Tapos ngayon kung makapag- sorry ka wagas? Binanggit lang ni Lorraine na kaibigan ako ni Six nag sorry ka na? Unless..."

"No! It's not what you're thinking!" tinignan ako ng masama ni Tiffany. Nag peace sign lang ako sa kanya.

"MAY GUSTO KA KAY SIX?!" sigaw ni Carl.

"Wut?!" Silver.

"What?!" Bryler.

"Hahahaha!" ako.

"No!!!" Tiffany.

"Oh yeah!" Carl.

At nagrambulan na yung dalawa sa likod. Ang pinakakawawa si Silver dahil siya ang nasa gitna nung dalawa. Poor Silver. Bakit kasi diyan ka pa tumabi? Hahaha.

Sumandal nalang ako sa upuan ko at tumingin nalang sa bintana.

Mamaya, I will be a supportive girlfriend for Bryler.

Maid For Rent (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon