Chapter 45: HE'S A...what?
Lorraine's POV
Andito kami sa may tapat ng mall.
Kanina pa namin siya sinusundan kaso dito siya huminto. Bakit kaya? Ano kaya yung bibilhin niya?
"The fvck!"
"Waaah! MAMA!"
"Aish! Tumahimik nga kayo!"
"Siya eh!"
Tumingin ako sa likod ko at nakita kong nagsusuntukan na yung tatlo sa likod ko. Napa facepalm ako. Kung ganito ba naman yung mga kasama mo sino hindi mapapa face palm?
Andito kami sa may likod ng sasakyan ni Bryler. Nakasilip ako sa gagawin ni Jach. Huminto na nga yung sasakyan niya pero hindi parin siya bumababa. Baka na stroke na sa loob?
"Heck! Hindi ka titigil?!"
"Mommy!"
"Huy! Tumigil nga kayo, kanina pa nagtitimpi si Lorraine sa inyo"
Napapikit ako at inis akong humarap sa kanila. Nakita kong sinasakal ni Bryler si Silver samantala si Zhico nakahawak sa mga braso ni Bryler para pigilan siya. Napahinto sila at dahan- dahan silang napatingin sa akin sa ganung pwesto.
"Isang tanong, hindi ba kayo TATAHIMIK?" tanong ko habang nakakuyom yung kamao ko.
Agad silang nagsi-ayos ng tayo. Yung tipong diretsong- diretso silang nakatayo with matching chin ups pa.
"Tatahimik ba kayo?" tanong ko sabay padyak
"Ma'am yes ma'am!"
"Attention!"
Nag martsa sila. Sumaludo ako bago tumalikod sa kanila. Nag whistle ako gamit yung daliri ko. Huminto sila sa pag martsa. Nilagay ko sa likod ko yung magkabila kong kamay at humarap ako sa kanila.
"Kaya kung ayaw niyong masapak. Tumahimik kayo. Clear?"
"Ma'am yes ma'am!"
"I said is that clear?!"
"MA'AM YES MA'AM!"
"Good" tumalikod na ako.
"She's scary"
"Yeah, tell me about it"
"*sniff* Daddy, mommy is scary"
"Shut up. Marinig niya tayo"
Napailing ako. Ayan nanaman sila. Hindi ko nalang sila pinansin. Nakita kong bumaba na sa sasakyan si Jach. Tinignan ko siya ng mabuti. Naka jersey baseball parin siya. Nilock na niya yung sasakyan niya at naglakad na siya papasok sa mall.
"Guys, lumabas na siya. Tara" sabi ko sabay hatak sa kanilang tatlo.
Pagkapasok namin sa loob ng mall, palihim namin siyang sinundan. Saan kaya siya pupunta? At bakit siya andito? Sa pagkakaalam ko ayaw niyang pumunta sa may mga public places tulad ng mall. Kasi sa sobrang sungit niya halos lahat ng taong pumapansin sa kanya ay sinusungitan niya. So what the heck is he doing here?
Nakita kong nag form ng barel si Silver sa kamay niya at nagpagulong gulong siya sa sahig na para bang pulis habang sinusundan si Jach. Si Zhico naman nagtatago sa bawat madadaanan niya. Sa halaman na tapat ng parlor, sa likod ng tao na mas maliit naman sa kanya, at sa mga pader na nakikita naman siya. Habang si Bryler nakapoker face lang na sinusundan si Jach.

BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Teen Fiction|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.