Chapter 16: Remembering his past

111 18 0
                                    

Chapter 16: Remembering his past

Lorraine's POV

Andito ako ngayon sa kusina namin, nagbabake ng cookies. Habang nagbe-bake naalala ko yung nangyari kagabi.

Namula ako. Shemay! hindi talaga ako makapaniwala! Si Jach? Si Jach yung nakakuha ng first kiss ko? Jusko! Hindi na virgin yung lips koT^T

Pagkayari niyang bumagsak sa balikat ko 'nun agad- agad na akong umalis sa bahay nila dala yung cellphone ko.

May naalala ako. Kinuha ko yung cellphone ko at pinindot ko yung gallery. Nanlaki yung mata ko. Pinindot ko yung video at pinanuod ko 'yun.

"I'm Flying! I'm Flying!"

Tinakpan ko yung bibig ko para hindi marinig ni Nanay yung tawa ko. Pfft. Nasa part siya nung tumatalon siya sa kama niya at sinisigaw niya 'yun.

Para siyang bata pag lasing. Napailing ako. Pinanuod ko pa yung video hanggang sa mapunta sa part na inakap niya ako at nagpagulong gulong kami sa kama niya.

Medyo namula ako nung maalala ko yung pangyayaring 'yun. Pagkarating sa part na hinalikan niya ako. Mas lalo akong namula >//////////////<

Sa lahat ng pwedeng makakuha ng first kiss ko bakit siya pa? Napahawak ako sa labi ko. Ramdam kong namumula parin ako hanggang ngayon.

"Anak!"

O________O

Dali-dali kong tinago yung cellphone ko at tumingin kay Nanay na kadadating lang dito sa kusina. Tumingin ako sa kanya at nagsalita.

"Bakit 'Nay?" tanong ko habang hindi makatingin sa kanya ng diretso

"May naghahana---Bakit ang pula mo?" biglang tanong niya

Hinawakan ko yung magkabila kong pisngi. Waaaaaaaaah! Namumula pa nga ako!

"A-h wala lang' to 'Nay" nauutal na sagot ko sa kanya

Pinagmasdan niya ako ng mabuti kaya nag iwas ako sa kanya ng tingin. Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa pisngi ko ng madiin.

"Anak. Nanay mo ako at kabisado na kita. Ano yung nangyari?" tanong niya

Mas lalo pa niyag diniinan yung paghawak niya sa pisngi ko na halos magmukha tuloy akong palaka sa ginagawa niya.

"W-ala nga!" sabi ko

Kumunot yung noo niya at pinagmasdan niya pa ako ng mabuti. Nanlaki yung mata niya at bigla niya akong inakap. Kumunot naman yung noo ko sa ginawa niya.

"Anak! Omg! Omg! Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" biglang sigaw niya

Napapikit ako. Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin at pinaikot- ikot pa niya ako. Jusko! Nahihilo na ako sa ginagawa niya! Pagkayari niya binaba na niya ako at hinawakan ulit ako ng madiin sa magkabila kong pisngi.

"Anak! sino nakakuha ng first kiss mo?" sabi niya

O______________O

Agad nanlaki yung mata ko sa sinabi niya at napanganga ako. P-aano niya nalaman? Paano niya nalaman na may nakakuha na ng first kiss ko?

"P-aano mo nalaman?" mahina kong tanong sa kanya

Nagulat ako ng bigla siyang tumawa na parang mangkukulam at tumingin sa akin ng naka ngisi.

"So tama nga ako. May nakakuha na ng first kiss mo" sabi niya sabay hampas ng malakas likod ko

Lintek! Kung nakapustiso lang ako baka tumurit na 'yun dahil sa lakas ng pagkakahampas niya sa likod ko.

Maid For Rent (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon