Chapter 19: He needs to know
Lorraine's POV
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papunta sa school, NG NAKATULALA.
Lutang yung pag-iisip ko. Naaalala ko parin yung nangyari kahapon. Yung magagandang bituwin, yung magagandang tanawin at ang pag- amin ni Jach na AKO DAW YUNG FISRT KISS NIYA.
Hindi lang talaga ako makapaniwala. Sariwa parin sa akin yung mga nangyari kahapon. Jusko! Paano na 'yan?! Hindi ko naman inaasahan na sa kanya rin mapupunta yung first kiss ko! T^T
Ano na yung gagawin ko? Kailangan ko bang magdiwang dahil sa wakas may nahalikan na rin ako o kailan ko ng magpakamatay dahil kay Jach 'yun napunta?
Sabi kasi ni Nanay. Kung sino daw yung first kiss ko siya DAW dapat yung pakasalan ko.
Napahawak ako sa buhok ko at sinabunutan ko 'yun. Maloloka na ako! Argh!
Hindi naman ako mahal ni Jach at mas lalo naman ako! Hindi ko naman siya mahal! Ni isang katiting na pagmamahal eh wala! May mahal naman na akong iba.
Kaso nga lang, yung mahal kong iba ay may mahal rin na iba T_T
"Nakakainis talagang magmahal" bulong ko
Pagkarating ko sa school, dumiretso na ako sa SSC namin. Pagkarating ko doon, andun na yung lahat ng kaklase ko.
Napatingin silang lahat sa akin. Hindi ko sila pinansin dahil paniguradong nagtataka sila kung bakit ang laki ng eye bags ko.
Buti nalang at wala pa yung adviser namin. Dumiretso na ako sa proper seat ko at umupo. Agad akong dumukdok sa lamesa ko.
Inaantok pa ako dahil napuyat ako sa kakaisip sa nangyari kagabi. Naalala ko si Jach.
Napa-angat ako sa pagkakadukdok at tumingin sa katabi kong bangko.
Wala pa pala siya.
Hmp! Asan kaya 'yun? Bakit hindi pa pumapasok? Okay lang kaya siya?
Eh? Ano naman yung pakielam ko dun? Edi maganda dahil walang mag-uutos sa akin ngayon! -_-
Pansin kong wala rin sila Six, Bryler at Carl. Lahat silang magbabarkada wala pa. Ano kaya yung nangyari sa mga 'yun at late sila?
"Lorraine!"
Nagulat ako ng may biglang umakap sa akin. Mas lalo akong nagulat nung makita ko kung sino yung umakap sa akin!
Waaaaaaaaaaaaah!
"A-h Lance--"
"Lorraine! Na miss kita! Dalawang araw tayong hindi nagkita pero miss na agad kita!" sabi ni Lance habang akap- akap ako
Napatingin sa gawi namin yung mga kaklase ko. Yung iba napairap dahil siguro sa inggit? Tapos yung iba kinikilig. Huh?
Ramdam kong namumula yung mukha ko ngayon dahil sa ginawa ni Lance. Talagang seryoso siya nung sinabi niya na miss na niya ako.
Huhu! Eto nanaman yung tibok ng puso ko! Nakikipagkarera nanaman sa mga daga! >//////<
"Omg! Ang cute niyo talagang dalawa"
Napatingin ako sa nagsalita. Nakangiti sa amin si Pinky nung makalapit siya sa amin.
Ngumiti rin ako sa kanya. Grabe! Namiss ko rin 'tong si Pinky! Halos tatlong araw ata kaming walang communication.
"Right Lance? Bagay talaga kayo. Hays! Asan na kaya si Jach? I miss him" sabi ni Pinky kay Lance
Naramdaman kong unti- onting lumuwag yung pagkaka- akap sa akin ni Lance. Napangiwi ako nung maalala ko yung sinabi ni Pinky.
BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Novela Juvenil|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.