Chapter 5: I'm Dead

123 21 0
                                    

Chapter 5: I'm Dead

Lorraine's POV

"Loraineeeeeeeeeeeeeeee!"

Ano ba 'yan! Ang sarap-sarap ng tulog ko eh! Tinakpan ko ng unan yung mukha ko at humarap sa kabilang side ng katre.

"Loraineeeeeeeeeeeeeeee!"

Aish! Bumangon na ako. Alam kong maya-maya pupunta na dito si Nanay sa kwarto para gisingin ako.

"One..Two..Three" sabi ko sabay turo sa pinto

*PLACK*

"Hoy Lorraine! Kanina pa kita tinatawag!" sigaw ni Nanay sa akin

Told you. Kabisado kona 'yan. Pag hindi agad ako pumunta sa kanya pupuntahan niya ako dito sa kwarto at sisigawan.

"Oh eto napo babangon na nga" tinatamad kong sabi

"Sige! Pagkayari mo diyan bumaba kana! May sasabihin ako!" sigaw niya at sinarado na niya ng malakas yung pinto

Napairap ako. Lagi nalang naka sigaw si Nanay. Pagkatapos kong iligpit yung pinaghigaan ko pumunta na ako sa banyo. Naghilamos at nagtoothbrush ako. Pagkayari kong magtoothbrush bumaba na ako sa hagdanan.

Nakita ko si Nanay sa kusina, naka upo sa monoblock. Lumapit ako sa kanya at umupo sa harap niya.

"Oh Nanay? Ano sasabihin mo?" tanong ko

Huminga siya ng malalim. Tinignan niya ako sa mata. Kinabahan ako. Masyadong seryoso si Nanay. Mukhang importante yung sasabihin niya.

"Anak pasukan na bukas. Wala pa akong masyadong pera para i-enroll ka. Gusto mo bang huminto na sa pag-aaral?" tanong ni Nanay

Natigilan ako sa sinabi niya. Ako? H-ihinto sa pag-aaral? H-indi pwede! Gusto ko pang mag-aral! Kailangan ko pang makapag tapos.

"N-anay! Ayoko po! Gusto ko pa pong mag-aral!" sabi ko

Bumuntong hinga si Nanay "S-orry anak pero wala pa talaga ako'ng pera. Huminto kana kaya?"

Hindi kona mapigilan. Naiyak na ako. Inakap naman ako ni Nanay. Ayoko pa talagang huminto sa pag-aaral. Nag-iipon naman ako para dito pero alam kong hindi pa sapat yung perang inipon ko.

"N-anay. W-ag niyo po akong ihinto. Maghahanap ako ng paraan para makapag-enroll. Basta wag lang niyo ako ihinto. Gusto ko pang mag-aral" pakiusap ko Kay Nanay

Humiwalay sa akin si Nanay. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat "Sige. Pero anak simulan mo nang gumawa ng paraan ngayon. Bukas na yung pasukan"

Pinunasan ko yung luha ko "Oo Nanay! Sige po! Aalis na ako. Sisimulan kona" sabi ko

Tumayo na ako. Umakyat ako sa hagdanan papunta sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit. Naka Jeans at simpleng damit lang ako ngayon. Sinuot ko yung kaisa isahan kong doll shoes na regalo sa akin ni Tata--hays! Enough! Baka magdrama lang ako ngayon.

Pagkatapos kong mag-ayos bumaba na ako.

"Bye Nanay!" sigaw ko

"Bye Anak! Goodluck at Ingat ah!" sigaw rin niya

Kumaway na ako sa kanya at umalis na.

Hays! Okay paano ko 'to sisimulan? T___T

Naglalakad lang ako ngayon para tipid sa pamasahe. Saan nga ba ako pupunta? Jusko! Paano na? Hays! Tapos pasukan na bukas.Waaaaaaaaaaaaaaaaah! Nakakainis!

Wala pa akong uniform! Wala pa rin akong libro! Hays! Nakakainis talaga! Sinampal sampal ko yung mukha ko habang naglalakad.

"Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis---"

Maid For Rent (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon