Chapter 55: Disappointment

44 4 0
                                    

Chapter 55: Disappoinment

Lorraine's POV

"Lorraine?"

Napatingin kami dito at nakita kong si Nanay 'to. Napahinto si Bryler at sabay kaming nagkatinginan.

Patay.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX   

"Kaya mo bang pakainin ang anak ko ng tatlong beses sa isang araw?"

"Ah--"

"Kaya mo ba siyang buhayin?"

"Eh--"

"Handa na ba kayo?"

"Ih--"

"Mahirap 'yang sitwasyon niyo pero sige, susuportahan ko parin kayo"

"Oh--"

"ANO BA?! MAGIGING PAMILYA NA NGA KAYO GANYAN NAMAN ANG MGA SAGOT NIYO?!" sigaw ni Nanay

"Huh?" sabay- sabay naming sabi.

Andito ngayon yung apat. Si Jach, Carl, Bryler at Six. Pati narin sila Zhico, Tiffany at Silver . Dito sila pinapunta ni Nanay sa sala nung nakita niya sila Six, Carl at Jach. Eh kasama nila sila Zhico, Silver at Tiffany kaya sumama narin sila dito. Kaya niya pinapunta dito sila Six para daw malaman nila yung ginawa ni Bryler! Nagwawala si Nanay kanina dahil sa nakita niya. Sigaw siya ng sigaw na buntis daw ako! Kaloka!

Lumapit sa akin si Tiffany "Friend I didn't know that you're pregnant" nag-aalala niyang sabi. Lumapit rin sa akin si Silver at hinawakan niya yung tiyan ko. Napasinghap ako. 

"Magkakaroon ng ako ng kapatid?" tanong niya. 

 Lumapit si Zhico "Congrats" 

"Tsk" Jach.

"Bro! Magiging tatay ka na! Tarang mag celebrate!" sigaw ni Carl.

Nagkatinginan kami ni Bryler sabay pikit. Dahan- dahan akong tumingin sa kanila at tumayo.

"TAMA NA!!!!" malakas kong sigaw dahilan para matahimik sila.

"Anak buntis ka. Baka mapano yung bata--"

"Nanay hindi ako buntis! Ano ba naman 'yang pag-iisip niyo?! Nahuli niyo lang kaming naghahalikan, buntis agad?! WOW! Nasaan ang sperm cell at egg cell na nag collide dun?! Wahhhh! Nakakaloka kayo!" sigaw ko.

"H-uh?" naguguluhan parin sila.

Napapoker face ako "For the second time. HINDI AKO BUNTIS! Masama bang maghalikan ang isang mag couple?! Bwiset kayo! BWISET!" sigaw ko. Nagagalit na ako! Sa nakakainis sila eh! Ang kukulit! Sobra! Paulit- ulit lang?! Ayoko sa eh ang paulit- ulit! 

Tumayo si Bryler at pinakalma niya ako "Umupo ka muna Lorraine. Kalma lang." sabi niya. Umupo ako habang sinasabunutan ang sarili ko. Grr!

"H-hindi ka buntis anak?" tanong ULIT ni Nanay.

Waaaaaaaah! Pigilan niyo ako! =_____=

"Hindi nga sabi eh!" sigaw ko.

"E-h ano yung nakita ko--"

"Nanay, masama bang makipaghalikan sa boyfriend ko?" tanong ko. Naiinis na ako sa kanya! Alam naman niya sanang na kami ni Bryler pero kung makapag react siya nung nakita niya kaming naghahalikan wagas! 

"H-hindi naman pero a-akala ko ba si Jach yung first kiss mo?" tanong niya sabay tingin kay Jach na nakapoker face lang. Nanlaki yung mata ko! Syete! 

Maid For Rent (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon