Chapter 39: The Real Confession

38 3 8
                                    

Chapter 39: The Real Confession

Lorraine's POV

"Paano na 'to?" tanong ni Silver

"Easy, we just have to make him jealous" Bryler

"Alam ko! Nyeta. Paano natin pagseselosin kung laging andiyan yung kapatid ko na parang linta kung makakapit sa kanya?"

"Easy, we just have to---paano nga ba?"

Napahilamos ako sa mukha "Another plan, palayasin natin si Bianca sa tabi ni Six" bulong ko

"Huh? Seriously? Sino magpapalayas?" tanong ni Silver

Tumingin kami ni Bryler sa kanya at tinaasan namin siya ng kilay. Mukhang nagets niya kaya napabuntong hinga siya.

"Okay. Pero ano 'to? Plan C? Hindi na natin gagawin yung Plan B?" tanong niya

"Plan B parin tayo, dinagdagan ko lang. Gagawin parin natin yung plan B pero right now kailangan lang natin maialis siya sa tabi ni Six!" bulong ko

"Paano?" Silver

Inirapan ko siya "Kapatid mo siya diba? Edi ikaw mag- isip" sabi ko

Huminga ng malalim si Silver at humarap siya sa ate niya na ngayon ay sinusubuan si Six. -_-

"Ate?"

Humarap sa kanya si Bianca "Why baby bro?" tanong niya

Napangiwi si Silver "Pwede bang samahan mo ako?" tanong nito

"Why?"

Tumingin siya sa amin para humingi ng tulong pero nag- iwas lang ako sa kanya ng tingin at kunyaring wala akong alam. Ganun rin si Bryler. Traitor na kung traitor.

"Natatae kasi ako, samahan mo ako please? Hindi ko kabisado 'tong bar eh" parang bata na sabi ni Silver sabay hawak pa sa tiyan niya

Napanganga ako habang naka poker face. Si Bryler na katabi ko biglang bumagsak ang ulo sa lap ko. Si Six na umiinom naibuga tuloy. Pero bigla siyang tumingin kay Bryler na ngayon ay nakahiga sa lap ko. At si Bianca natawa.

"Hahaha! Oh you! Taihen ka parin talaga! Halika!" sabi ni Bianca sabay tayo

Tumingin sa amin si Silver sabay belat sa amin. Inirapan ko siya.

"Distract her" I mouthed

Tumango siya. Agad na tumayo si Silver sabay hatak sa ate niya na ngayon ay halos madapa na dahil sa kakahatak niya. And remind you the heels she's wearing.

Tumingin ako kay Six. Nakatingin parin siya kay Bryler. Hindi ko mabasa yung nasa- isip niya. Masyadong blanko ang pagkakatingin niya kay Bryler.

Binuka ko yung bibig ko "So, kamusta kayo Six ni Bianca?" tanong ko

Agad siyang napatingin sa akin. Tumingin ako sa mata niya at alam ko yung tingin na 'yun.

He look so sad.

Gumagana na ata yung plano namin. Napangiti ako.

"Okay lang" simple niyang sagot

Tumango ako. Nag- iwas ako ng tingin sabay buntong hinga. Paano na? Parang hindi ko na tuloy kaya. Pinagseselos namin si Six ng hindi niya alam, nagu-guilty na tuloy ako.

Wag ko na kaya ituloy? Pero eto na eh. Gumagana na kasabay nung guilt na nararamdaman ko gumagana narin.

May narinig akong humilik. Napatingin ako kay Six pero pagtingin ko sa kanya, nakatingin rin siya sa akin. So hindi siya yung humihilik.

Maid For Rent (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon