Chapter 17: And that was my---Ugh!

100 9 1
                                    

Chapter 17: And that was my---Ugh!

Lorraine's POV

Kanina pa umuwi si Six dahil inaantok daw siya. Hanggang ngayon nagtataka parin ako. Ano ba talaga yung dahilan kung bakit siya nagkakaganun kanina?

Hays! Nag-aalala talaga ako. Eh kung tanungin ko kaya si Carl kapag nagkita kami? Tama. Tatanungin ko nalang siya. Hindi talaga ako mapakali kaya tatanungin ko nalang siya.

Napabuntong hinga ako. Andito ako ngayon sa loob ng kwarto ko. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Tumingin ako sa cellphone ko.

Kanina pa niya ako hindi tinatawagan. Nakakapagtaka lang. Nung mga nakaraang araw, Halos araw- araw niya akong inuutusan ba't ngayon hindi na?

Baka naman, tanggal na ako sa trabaho ko? Pero...hindi pwede! Tsaka ano 'yun? Kung kailan makukuha ko na yung sahod ko tsaka niya ako tinanggal? Aba naman! Hindi ako papayag 'dun!

Kailangan ko ng makuha yung sahod ko! Oo! Tama! Pupuntahan ko siya ngayon sa kanila. Hindi ako papayag na hindi ko 'yun makuha.

Tumayo na ako sa higaan ko. Isinuot ko na yung tsinelas ko. Lalabas na ako nang biglang mag vibrate yung cellphone ko.

Kinuha ko 'yun at binasa ko yung text.

(From: Mister F*ck) *Si Jach 'yan, Wag na kayo magtaka*

[:L0rR5!n3! kA!LAuGan M0uG 5L5GA5u Zhi J5Ch! m5ZAchicH YnuG UL0 n!y5 K5Ya K5!LAuG5u M0 N5uG PnMnuT5 D!T0. 13!L!z!

5uD bY Th3 W5y, Zhi C5rl 2 :)]

Halos sumakit yung ulo ko sa nabasa ko. Jusko! Anong klaseng sulat 'to? Alien ba yung nag text sa akin? Jusko! Hindi ko alam na ganun pala mag text si Jach! T____T

Binulsa ko nalang yung cellphone ko at lumabas na. Sumakit yung mata ko 'dun ah. Nagpaalam na ako kay Nanay at pumayag naman siya.

Lumabas na ako ng bahay at pumunta na sa kabilang bahay. Nag doorbell ulit ako. Alanga naman pumasok agad ako diba? Baka mapagkamalan pa akong magnanakaw kaya huwag nalang.

Bumukas yung gate at tumambad sa akin si Carl na ngingiti-ngiti.

Napataas yung kilay ko sa itsura niya. Kung makangiti lang? Ano meron?

"Lorraine! Na receive mo ba yung text ko?" Masaya niyang tanong

Nagtaka ako "Anong text?" tanong ko

May kinuha siya sa bulsa niya at hinarap niya sa mukha ko yung cellphone na hawak niya.

"Eto" sabi niya

Halos maduling ako sa sobrang lapit ng cellphone niya sa mukha ko. Binasa ko yung nakasulat 'dun.

Ay lintek! Siya pala yung nagtext kanina! Akala ko si Jach!

"Ikaw pala 'yun!" sigaw ko

"Hahahahahahaha! Ako nga!" sabi niya sabay tawa

Napa-irap ako. Bwiset! Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok na ako sa loob ng gate nila. Binuksan ko na yung pinto ng bahay nila at pumasok narin sa loob.

Naririnig ko pa siyang tumatawa kaya hindi ko nalang siya pinapansin. Tumingin-tingin ako sa paligid. Asan si Jach?

Humarap ako kay Carl "Asan si 'Mister Fvck?" tanong ko

Napatigil siya sa pagtawa niya at tumingin sa akin ng nagtataka.

"Sino naman si Mister Fvck?" tanong niya

Maid For Rent (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon