Chapter 27: What just happened?
Lorraine's POV
Binawi ko yung kamay ko sa kanya. "A-no yung ginagawa mo dito?! Lumabas ka!" sigaw ko
Ngumiti siya ng matamis sa akin at tsaka siya lumapit sa pinto. Akala ko lalabas na siya pero akala ko lang pala 'yun.
Bigla niyang sinarado yung pintuan at nilock niya 'yun. Humarap siya sa akin. Napaatras ako.
"So, ikaw siguro si Lorraine?" tanong niya at humakbang siya papalapit sa akin
Umatras ulit ako. "W-ag kang lalapit" kinakabahn kong sabi
Hindi ko alam kung bakit bigla akong natakot sa kanya. Yung tingin niya sa akin para bang gusto niya akong...naiiyak na ako.
Jach, nasaan ka na ba?
Natawa siya "Oh baby, why should I leave you here? Mukha kang nilalamig, gusto mo bang mainitan?" at humakbang pa siya papalapit sa akin
Umatras pa ako hanggang sa wala na akong maatrasan. Tumingin ako sa likod ko at pader na pala ito. Tumingin ako sa kanya at laking gulat ko na agad na pala siyang nakalapit sa akin.
"L-umayo ka sa akin! A-no--"
Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko nang bigla niya akong tinulak papahiga sa higaan. Nasa gilid kasi namin yung higaan.
Napahiga ako doon habang akap- akap ko yung dress ko. Agad akong umupo at umatras habang naka- upo sa higaan.
Umupo siya sa higaan habang nakatingin sa katawan ko. Niiyak na ako. Natatakot na ako. Kinakabahan. Halo halong emosyon yung nararamdaman ko.
"Lumayo ka sa akin! LUMAYO KA!" sigaw ko
Ramdam kong nangingilid na yung luha ko.
Gumapang siya papalapit sa akin. Atras lang rin ako ng atras hanggang sa wala na ulit akong maatrasan.
Kinorneran niya ako sa headboard ng higaan.
"I will make sure that you won't regret it baby after I do this"
Pagkatapos niyang sabihin 'yun agad niya akong hinalikan sa leeg. Sinimulan ko nang magpumiglas.
"Bitawan mo ako! TUMIGIL KANG HAYOP KA!" sigaw ko habang tinutulak siya
Pero bigla siyang dumagan sa akin. Doon na bumuhos yung luha ko. Pinagsusuntok ko siya sa likod niya pero parang wala lang 'yun sa kanya.
"BITAWAN MO NGA AKO! HAYOP KA!" sigaw ko
Pero parang wala siyang naririnig. Napapikit ako habang may umaagos na luha sa mga mata ko.
Jach, nasaan ka na ba?
"JACHHHHHHHHHHHH!!!"
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Jach's POV
Andito ako ngayon sa kwarto ko. Tapos na akong magbihis at lahat pero hindi parin ako lumalabas.
Ngayon ko lang naisip na...
FVCK! WHY DID I PICK LORRAINE?!
Argh. Bakit nga ba siya yung pinili ko na maging pretend girlfriend ko?
Sometimes I just came up a decision with my own when I'm mad.
Fvck that! Noong nalaman ko na isasama pala nila yung pinsan ko doon na ako nagalit ng todo!
BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Teen Fiction|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.