Chapter 58: I'm Selena

61 3 1
                                    

Chapter 58: I'm Selena

Jach's POV

"Come on. Ihahatid na kita" sabi ko. Tumango siya. Humiwalay na ako sa kanya at inalalayan ko siyang maglakad. Maglalakad nalang kami papunta sa kanila.

I sighed. I don't know what's got in to me. Bakit ang bait ko ngayon sa kanya? Guilt? Pity? Hindi ko alam. But I feel so sad. Parang may tumutulak sa akin na icomfort ko siya. Siguro dahil kay Bryler. He's my friend at sinaktan niya si Lorraine.

"Sorry" bulong ko. Hindi ko alam kung narinig niya. At bahala na kung narinig niya.

"Sorry rin" narinig nga niya. -_-

Pero bakit siya nagso-sorry sa akin? Hindi ako tumingin sa kanya. Diretso lang akong tumingin sa dinadaanan namin. Pero ramdam kong napatingin siya sa akin.

"Sorry kung sinigawan kita. Nagalit lang kasi ako sa'yo. Akala ko natalo na kayo. Iniisip ko lang kasi yung iba kung sakaling natalo kayo. Kawawa sila. Nagpakapagod at nagpakahirap kayo para lang sa laban." paliwanag niya. Pumikit ako at huminga ako ng malalim.

"I'm sorry too. I'm sorry for what I did. I shouldn't had follow you earlier. It was just---"

Sasabihin ko ba sa kanya na nakita ko siyang malungkot kaya ko siya sinundan?

"Mistake" napatingin ako sa kanya ng dugtungan niya ang sinabi ko.

"Apology Accepted." ngumiti siya sa akin. Nag- iwas ako ng tingin at tumango nalang.

Damn!

"Apology Accepted too" sabi ko at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Hindi na ako nagsalita pa at wala rin naman akong sasabihin sa kanya.

Tumingin ako sa kanya at nakita kong malalim ang iniisip niya. Ano kaya ang iniisip niya? Paniguradong si Bryler nanaman 'yan.

Tsk.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Lorraine's POV

"Apology Accepted." ngumiti ako sa kanya. Tumango nalang siya at hindi na nagsalita pa. Tahimik akong napabuntong hinga.

Bakit niya kaya ako ihahatid? Nakakapanibago si Jach ngayon. Para bang naaawa siya sa akin.

Sabagay mukhang nakakaawa nga ang itsura ko kanina. Halos mahubaran na ako ni Bryler. Ayaw niyang tumigil. Halik siya ng halik. Halos maiyak na ako nang dumating si Jach.

Salamat. Mabuti talaga at dumating siya. Nilayo niya ako kay Bryler. Nilayo niya ako sa sarili kong BOYFRIEND.

Naiintindihan ko naman si Bryler eh. Lasing siya. At karamihan kapag lasing, wild. Pero unfair naman na kung ako lagi ang iintindi sa kanya! Hindi ba niya minsan naiisip ang nararamdaman ko? Kainis!

Lakad parin kami ng lakad. Ng bigla akong matipalok. Aray! Syete! May bato ata akong natapakan.

"Shit!" narinig kong mura ni Jach. Dali- dali niya akong tinulungang tumayo. Pero hindi ko maitayo ang isa kong paa. Ang sakit! Hindi ko maramdaman yung paa ko! Namamanhid ata.

"Tumayo ka!" sigaw niya.

"Hoy wag kang sumigaw! Sa hindi ako makatayo eh" sabi ko.

"Tsk" nagulat ako ng bigla niya akong bitawan. Teka, iiwan niya ako?!

"Hoy! Iiwan mo ba ako?! Eh akala ko ba ihahatid mo ako?" naiinis kong sabi.

Bigla siyang pumunta sa gilid ko. "Sino nagsabi sa'yo na iiwan kita? Tsk. Assuming" nagulat ako ng bigla niya akong binuhat. Na parang bagong kasal. Sinuntok ko siya sa dibdib niya.

Maid For Rent (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon