Chapter 42: Officially a couple
Lorraine's POV
"Girls, lumabas na kayo. Nakawala si Bryler at hanapin niyo siya" sabi ni James sabay kindat sa mga babae
Para namang mga asong ulol yung mga babae na agad sumunod sa kanya habang naglalaway pa. Nakakita ata ng gwapo, gwapong---manyak. Gwapo nga, manyak naman. Sayang si James.
Ngayon na kaming dalawa nalang yung natira hindi ko maiwasan na mapatingin sa kanya. Mukhang gumaling na siya. Wala na yung mga pasa niya dati sa mukha at para bang walang nangyari sa kanya. Parang hindi nga siya binugbog dahil ang kinis parin ng mukha niya. Yung totoo? Ano kaya yung ginagamit niya ng kuminis naman ako.
"Na miss mo ba ako?" tanong niya
Inirapan ko siya "Hindi"
"Ouch!"
"Aray talaga! Hayop ka! Pakawalan mo nga ako dito! At NASAAN SI BRYLER?!" sigaw ko sabay tingin sa kanya ng masama
Kumuha siya ng bangko at umupo siya kaharap ko. Naka-upong panlalaki siya habang pinagmamasdan ako, or should I say yung katawan ko? Suot ko pa rin kasi yung dress diba? Manyak talaga 'tong hayop na 'to.
"Are you cheating on my cousin?" tanong niya habang nakangisi
Oo nga pala, ang alam niya kami ni Jach. Pero the heck? Hindi naman talaga kami nun! Pake ko dun?! Hindi ko naman 'yun mahal! At hindi rin naman niya ako mahal!
"No" sagot ko nalang sa kanya
"Really?" mangha niyang tanong
Hindi ko pinansin yung tanong niya. "Ikaw ba yung may pakana ng lahat ng 'to?! Bakit mo ba kami kinidnapped? At saan mo dinala si Bryler?!"
Tumawa siya ng malakas habang hawak- hawak yung tiyan niya. Napapoker face ko. Hindi naman ako nag joke ah, bakit siya tumatawa? People nowadays are weird.
"Bakit ko kayo kinidnapped? Easy, bored kasi ako" sagot niya pagkayari niyang tumawa
"Wow ah. Na bored ka kaya mo kami kinidnapped? Ulol" sabi ko habang nakapoker face parin
Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ako sa baba ko. Pilit kong iniiwas yung tingin sa kanya kaso hindi ko kaya kasi hawak niya yung mukha ko. Bwiset.
"Lorraine, lalo ka atang gumaganda? Lalo na't ang sexy mo ngayon. Shet" biglang bumaba yung tingin niya sa dibdib ko
Tinignan ko siya ng masama "Pakawalan mo ako" sabi ko
"And why would I do that?" tanong niya at bigla niya akong ninakawan ng halik. Ramdam ko yung labi niya na madiing hinahalikan yung labi ko.
"Putek!" napamura na tuloy ako
"Hahaha! Baby, your lips is so sweet" sabi niya habang dinidilaan yung labi niya gamit yung dila niya. Shete napakamanyak niya!
"Pakawalan mo ako dito!" sigaw ko
Ngumisi siya at may binulong siya "Okay, kung papayag ka na gawin natin 'yun' If you know what I mean" sabi niya at lumayo na siya sa akin
Tinignan ko siya ng mabuti. Ganun rin siya ang pinagkaiba nga lang nakangisi siya. Huminga ako ng malalim at pumikit.
"Sige, payag ako" dumilat ako at nakita kong napangiti siya sa sinabi ko
Pumunta siya sa likod ko at tinanggal niya yung tali sa kamay ko. Pagkatapos nun pumunta na siya sa paanan ko para tanggalin rin yung tali doon.
BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Novela Juvenil|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.