Chapter 48: She's Healer
Lorraine's POV
"L-lorraine?"
Nanginginig akong tumingin sa kanya. Syete, bakit siya may kutsilyo? Papatayin ba niya ako? Hala naman!
"J-jach" nanginginig kong tawag sa kanya.
Binaba niya yung kutsilyo na hawak niya. Ngayon, mas malapit ko siyang napagmamasdan. Tinignan ko siya ng mabuti. Magang- maga na yung mata niya dahil sa pag- iyak. Ang putla pa niya. Kung dati malaki yung eyebugs niya , mas malala ngayon. Ako yung naaawa para sa kanya. Halatang pagod na pagod siya. Gusto ko siyang tulungan pero paano?
Medyo humahaba na rin yung pinagupit niyang buhok.
"What are you doing here?" malamig niyang tanong.
Nanginginig kong binuka yung bibig ko "P-pinapunta ako dito ng ate mo" sabi ko
Kumunot yung noo niya "How?"
"N-nakasalubong ni Nanay yung ate mo. Nagka-usap daw sila nung bumibili sa Nanay at nalaman ng ate mo na anak niya ako. Pumunta yung ate mo sa amin kani-kanina lang para papuntahin ako dito. Baka sakaling ako daw yung makapagpabukas ng pinto mo" paliwanag ko.
"Get out"
"P-pero Jach---"
"GET OUT!" sigaw niya.
Hindi ako nagpatinag. Lumapit ako sa kama niya at sinimulan ko 'tong iligpit. Kinuha ko yung mga nagkalat na damit. Naramdaman kong lumapit sa akin si Jach kaya humarap ako sa kanya.
"What do you think you're doing?! I said, GET OUT!" sigaw niya sabay turo sa pinto.
Umiling ako "Hindi ako lalabas." desidido kong sabi habang nagliligpit.
Kukunin ko na sana yung basag na bote na nagkalat sa sahig nang biglang lumapit sa akin si Jach at bigla niya akong hinarap sa kanya. Ang talim nung tingin niya sa akin.
"I SAID GET OUT! I DON'T NEED YOU! I don't fvcking need all of you!" sigaw niya habang nanliliksi yung mata.
Humigpit yung pagkakahawak niya sa braso ko. Napangiwi ako "B-bitawa---"
Hindi niya ako binitawan. Mas lalo itong humigpit at tinulak niya ako sa pader. Lumapit yung mukha niya sa akin habang nakatingin siya sa akin ng matalim. Kung pwede lang mamatay dahil sa tingin niya, baka patay na ako ngayon.
"When I say get out, GET OUT!" sigaw pa niya.
Ginantihan ko rin siya ng tingin "Pagsinabi kong ayokong lumabas, may magagawa ka?" lakas loob kong tanong.
Mas lalong kumunot yung noo niya "What---"
Pinutol ko yung sasabihin niya "J-jach, alam kong nasasaktan ka ngayon. Parehas lang tayo. K-kasi...mahal ko pa si Lance eh. Silang dalawa ni Bryler pero mas matimbang si Lance. A-akala ko...akala ko naka move on na ako pero hindi. Hindi pa pala. Pinaasa niya ako at sinaktan ka niya"
Pagkatapos ko 'yun sabihin hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin. Pinagmasdan ko siya. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Halos magdikit na yung dulo ng ilong namin. Amoy na amoy ko pa yung alak sa labi niya. Halatang marami siyang nainom na alak.
"Get out"
Umiling ako. "Ayoko" matigas kong sabi.
"You leave me no choice"
Bigla niya akong kinaladkad papunta sa pinto. Aangal pa sana ako ng bigla niya akong tutukan ng kutsilyo. Doon na ako nanginig. Kutsilyo 'yan eh! Sino hindi matatakot na matutukan ng kutsilyo?! Kayo kaya yung tutukan ko?!

BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Teen Fiction|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.