Chapter 12: I'm Now His.....a what??!!
Lorraine's POV
Andito ako ngayon sa aking kwarto. Iniisip yung nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala. May bago na akong kaibigan. Una si Pinky sumunod si Lance at ngayon naman si Six.
Napangiti ako. Ang saya ko---
"Lorraineeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!"
-______-
Binabawi kona yung sinabi ko na masaya ako. Tumayo na ako sa pagkakahiga at binuksan yung pinto ng kwarto ko.
"Bakit?!!!!!!" sigaw ko
"Halika dito!"
Napailing nalang ako. Wala atang oras na hindi kami nagsisigawan ni Nanay. Bumaba na ako sa hagdanan at nakita ko siya sa kusina, nagluluto. Lumapit ako sa kanya.
"Oh bakit po?" tanong ko
Tumingin siya sa akin ng masama. Napa atras ako "Nagtext sa akin si Ate joy! Pumunta ka daw ngayon sa karenderya! Bilisan mo! Baka malate kapa!" sigaw ni Nanay
Hinawakan niya ako sa balikat. Kinadladkad niya ako papunta sa pinto at tinulak doon. Napa 'aray' ako. Hindi pa bukas yung pinto!!! T___T
"Aray!!!"
"Sorry anak!" sabi ni Nanay
Binuksan niya yung pinto. Sinipa niya ako sa pwet at pinagsarhan na niya ako ng pinto. Hinimas ko yung pwet ko. Masakit kaya! T___T
"M-asakit"
Tumayo na ako sa pagkakasalampak sa sahig at lumapit sa gate. Binukasn ko 'yun at sinimulan ko ng maglakad. Medyo iika-ika pa ako dahil medyo masakit pa yung pwet ko.
Naka uniform parin ako. Hindi pa ako nagbibihis dahil nga ni ginawa ni Lance kanina.
>____<
Omg! Tuwing naaalala ko 'yun kinikilig ako! Waaaaaaaaaaaah! Hinawakan ko yung pisngi ko. Waaaaah! Namumula ako!
Hindi ko akalain na hahalikan niya ako sa pisngi! Kinikilig talaga ako! Hinawakan ko yung dibdib ko. Mabilis yung tibok ng puso ko. Jusko! Aatakihin naba ako?
Pagkarating ko sa karendeyra pumasok na ako sa loob. Madaming bumibili. Hinanap ko agad si Ate Joy.
"Ate Joy!" tawag ko sa kanya nung makita ko siya
Humarap siya sa akin. Tinignan niya ako ng masama. T-eka! Ano nanaman ba yung ginawa ko? T___T
"Hoy Lorraine! Halika nga dito! Maraming costumer! Bilisan mo! Oh eto! Bigay mo 'to sa table #3" sabi niya at inabot niya sa akin yung tatlong plato. Yung isa sa ulo ko at yung dalawa sa magkabila kong kamay.
Napahinga ako ng malalim. Lumapit na ako sa table #3 at binigay yung binili niyang pagkain.
Habang nagtatagal mas lalong dumadami yung mga bumibili. Teka! Ano bang meron at maraming bumibili? Karamihan babae!
"Lorraine! Bilisan mo!" sigaw ni ate Joy
Lumapit ako sa kanya at kinuha yung pagkain.
"Table #5" sabi niya
Lumapit na ako sa table #5. Nilapag ko na yung mga pagkain sa lamesa at dali-daling umalis. Natatakot ako. Mga lalaki kasi yung mga naka-upo 'don T__T
Lumipas ulit yung mga ilang oras at mas lalong dumadami yung mga bumibili. Hindi ko na nga alam kung ano yung uunahin ko! Taga lapag ako ng pagkain at the same time taga tanong kung ano yung bibilhin nila! Nakakapagod na nga eh.
BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Teen Fiction|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.