Chapter 41: He's back
Lorraine's POV
"What are we going to do with her?"
"Psh. I hate her. She's stealing papa Bryler from me"
"Teh, assuming ka masyado. Gaga"
Mukhang ako ata yung pinag-uusapan nila. Dahan- dahan kong dinilat ang mga mata ko. Syete! Ang sakit ng likod ko! Bakal ata yung hinampas nila sa akin!
"Oh look, gising na si sleeping ugly"
Medyo blur ang paningin ko. Wala akong masyadong makita. Siguro epekto ng pagkakatulog ko. Pumikit ako at nag bilang ako ng sampung segundo. Dumilat ako at tama nga yung hinala ko, sila yung limang babae na pinahiya ni Bryler sa mall.
Lumapit sila sa akin. Tumingin ako sa paligid. Mukhang nasa isang lumang bahay kami. Te-ka bahay?Bakit naman dito? Saan naman 'to?
"Wag ka ng tumingin sa paligid. Wala ka ng takas" sabi ng babaeng na nasa harapan ko
Tinignan ko siya ng mabuti. Teka namumukhaan ko siya. Siya yung nagsabi na pwede daw ba siyang maging slave ni Bryler. Napailing ako. Kawawa naman siya, desperada? Bakit ba niya kami hinuli? Para makaganti?
Magsasalita pa sana siya ng unahan ko siya.
"Andito kami para makaganti kayo, 'yun ba? Andito kami para masolo niyo si Bryler, ganun ba?" tanong ko
Mukhang nagulat sila dahil nalaman ko agad yung plano nila. Halata naman kasi sila masyado.
"How did you know?" tanong nung isa
Hindi ko siya sinagot. Tumingin ulit ako sa paligid at napagtanto kong nasa attic ako. Puro gagampa at sapot ng gagamba ang nasa paligid. May mga luma ng gamit dito na halatang sira na. Nakatali ako sa may isang malaking single couch. Take note puro alikabok yung couch. Bwiset! Buti nalang at wala akong hika! Kung meron baka kanina pa ako umuubo dito.
"Nasaan si Bryler?" bulong ko
Ngumisi yung babae at lumapit siya sa akin. Noong magkatapat na yung mukha namin tsaka siya nagsalita.
"Wala siya dito. Kanina pa siya nagising. Iniwan ka na niya" sabi niya na kinagulat ko
H-hindi! Ayokong maniwala! Alam kong andito si Bryler! Si Bryler lang naman yung gusto nila diba?! Alam kong andito siya!
Bryler!
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Bryler's POV
"Punyeta, pwede bang suntukin ko na siya? Nangangati na yung kamao ko!"
"Edi kamutin mo!"
"Gago!"
"Hahaha! Sabi nila wag daw nating galawin 'yan!"
"Bakit naman?!"
"Kasi kung gagalawin natin 'yan, sasaktan nila si Lorraine!"
"Psh. Malilintikan tayo kay boss niyan"
The fvck? Dahan- dahan kong dinilat ang mata ko. Ramdam kong kumikirot yung likod ko. Shit! Mapapatay ko sila!
Nang masiguro kong hindi na malabo yung paningin ko agad akong tumingin sa paligid. Fvck! Nasaan ako?! Tatayo na sana ako kaso hindi ko kaya. Shit! Nakatali ako sa isang malaking single couch! Ano yung nangyayari?! Put*ngin*
"Oh pre, gising na siya"
Nag-angat ako ng tingin at nakita kong may isang gorilla na papalapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Novela Juvenil|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.