Chapter 7: Seatmate kami? Patay!

120 21 2
                                    

Chapter 7: Seatmate kami? Patay!

Lorraine's POV

"Lorraine!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Ugh! Ang ingay naman! Napahawak ako ng mahigpit sa unan ko at nagtalukbong. Gusto ko pang matulog.

"Lorrrrrrrrrrrrraaaaaineeeeeeeee!!!!!"

Hindi ko nalang pinansin yung sumisigaw. Gusto ko pa talagang matulog dahil inaantok pa ako. Papikit na ulit yung mata ko nang...

*BOOGSH*

"BWISET NA MALAGKIT LORRAINE! HINDI KABA BABANGON DIYAN? MAY PASOK NA!"

O_____O

Dahil diyan agad-agad akong napabangon sa pagkakahiga. Dali-dali akong pumunta sa banyo at naligo. Pagkayari kong magbihis bumaba na ako sa hagdanan. Naabutan ko si Nanay sa kusina naghahanda ng umagahan.

"Bwiset ka talaga Lorraine. Bilisan mo nalang kumain baka malate kapa" sabi ni Nanay

Tumango nalang ako at kumain na. Pagkatapos kong kumain nagpaalam na ako kay Nanay at umalis na. Sinimulan ko nang maglakad. Ayokong mamasahe kasi mahal yung pamasahe, bente lang yung baon ko eh.

Oo nga pala. Guess what? Nakapasa ako! Waaaaaaah! Kahapon ko lang ng hapon nalaman kay Pinky. May binisita kasi siya sa kapitbahay namin. Nung una hindi ko alam kung sino yung pinuntahan niya pero nung maalala ko na Boyfriend nga pala niya si Jach, napatango nalang ako.

Tinanong ko nga siya kung totoo 'yun pero ang Pinky namula sa sinabi ko. Haha! Lumalovelife na! ^__^

Tsaka kahapon niya rin binigay sa akin yung uniform pero sabi niya wag ko daw muna suotin dahil first day palang. So nagsibilyan ako ngayon.

At si Lance kahapon, ayun nagselos. Dahil pinuntahan daw ni Pinky si Jach. Nung time na pumunta kasi si Pinky, 'yun naman yung time na hinatid ako ni Lance pagkatapos naming mag mall. Eh magkapitbahay kasi kami ni Jach kaya nakita niya yung pagpunta ni Pinky para kay Jach.

Noong una tuwang tuwa nga siya nung makita niya si Pinky pero nung makita niya si Jach na bigla nalang lumabas at inakbayan si Pinky bigla nalang siyang nalungkot.

Ako naman yung nalulungkot para kay Lance. Hays! Kasalanan 'to ng lintek na pag-ibig na 'yan eh.

Napailing nalang ako. Tinuon ko nalang ulit yung atensyon ko sa paglalakad. Buti nalang at alam ko yung daan papunta sa St. Monreal University kaya hindi ako maliligaw.

Pagkarating ko sa school huminga muna ako ng malalim. Kaya ko'to! Fighting lang! Eto naman yung gusto ko eh. Ang mag-aral.

"Kaya ko'to" bulong ko

Napahawak ako ng mahigpit sa aking bag at pumasok na sa loob. Pagkapasok ko napatingin sila agad sa akin.

Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa.

Yung iba iniirapan ako.

Yung mga lalaki pinagtatawanan ako.

Ang hard naman nila -____-

Hindi ko nalang sila pinansin dahil ayoko ng gulo.

Naglakad nalang ulit ako. Ang problema ko hindi ko alam kung saan yung papuntang SSC (Special Science Class)

4th year highschool na kasi ako. Gusto ko pa talaga mag-aral para magkapagtapos, isang taon nalang yung hihintayin ko para mayari na. Salamat talaga dahil nakapasa ako sa exam. Kaya sa SSC (Special Science Class) ako pinasok ni Ms. Taessi.

Habang naglalakad tumingin tingin ako sa bawat room. May mga nakapaskil na papel sa bawat pinto dahil doon nakalagay yung mga pangalan ng room na dapat pasukan.

Maid For Rent (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon