Chapter 40: Shit happens

44 4 6
                                    

Chapter 40: Shit happens

Lorraine's POV

"Here, eat a lot"

"Ayoko"

"Ayaw daw niya! Sa akin nalang 'yan! Mwehehe!"

"The fvck Silver! Para kay Lorraine 'yan! HUY!"

Hinabol ni Bryler si Silver. Suot pa ni Bryler yung apron na kulay pink habang naghahabulan sila. Napabuntong hinga nalang ako sabay ngiti.

Noong makita nila akong mag- isa kanina sa room na umiiyak, agad nilang tinanong kung ano yung nangyari. Sinabi ko sa kanila lahat ng pinag-usapan namin ni Six. Buong detalye sinabi ko. Pagkayaring kong magkwento natahimik si Bryler. Alam ko yung nararamdaman niya kaya sinabi ko na okay lang ako.

Pinakain nila ako ng marami, pinatahan nila ako (marami ngang tissue sa gilid ko eh) pinatawa (na gumagana naman) At ngayon pinapakain ulit nila ako.

Napangiti ako. Buti pa sila andiyan para sa akin. Andito kami ngayon sa bahay nila Silver. Ang laki nga eh, mala mansion rin. Medyo malaki ng onti sa bahay nila Bryler.

Tumingin ulit ako sa paligid. Andito kami sa living room nila Silver. Wala yung magulang niya. At hindi naman niya sinabi kung nasaan. With a big chandelier hanging on top of us, and it's huge. Ang laki nung chandelier. Kulay gold siya na maraming ilaw. Syete baka bumagsak 'to!

Pati rin yung couch na inuupuan namin, maganda. May carpet rin sa ilalim ng couch, black polka dots na parang ganun sa 101 dalmatians. May painting na medyo malaki sa harapan namin at may swing pa na puppy sa likod namin. And it's so cute.

May isang salamin rin na mala gold ang kulay, sa tapat nun may lamp na nakapatong sa table. Sa ilalim ng painting merong fire ng chimney kung saan dumadaan si santa.

Nice, ang ganda. Mayaman talaga 'tong si Silver.

Pero, mukhang familiar sa akin 'tong lugar na 'to. Mukhang galing na ako dito. Hmm o baka guni- guni ko lang 'yun?

"Hey! Lorraine! Help me! He is eating your brownies! Para sa'yo 'yun!" sigaw ni Bryler

Tumawa ako "Hey Silver! Akin na nga 'yang brownies!" sabi ko

Nag pout siya "But--but. It's brownies. I love brownies" he whined like a kid

Aww. Ang cute niya. Para siyang bata! Pinisil ko yung pisngi niya. Agad siyang napa-aray.

"A-aray! Lorraine! Huhu! Masakit!"

At dahil nga sa nasasaktan siya binitawan ko na siya. Kinuha ko sa kamay niya yung brownies at kinain ko 'yun. Walang pang ilang segundo naubos ko na 'to. Napanganga siya.

"Yu-yung brownies *sniff*"

Mukhang malapit ng umiyak si Silver kaya agad akong tumingin kay Bryler. Napabuntong hinga siya.

"Jeez! Meron pa sa kusina niyo!" sigaw ni Bryler

Agad na napangiti si Silver "BROWNIES!" sigaw niya sabay takbo sa kusina

Napa-iling ako at umupo na ulit ako sa malambot nilang couch. Hays! 10:35 na ng gabi pero heto parin kami ngayon kila Silver. Suot ko parin yung dress. At ganun rin yung dalawa. Hindi pa kami nagpapalit. Napahilamos ako sa mukha.

"Lorraine"

"Hmm?"

"Don't seat like that" Bryler.

"Bakit?"

"I can see your panties"

Agad akong napadikwatro sa sinabi niya. Nakita kong namumula siya habang nakatingin sa ibang direksyon. Oh no! Nakita niya yung panty ko?

Maid For Rent (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon