Chapter 32: Bryler, the lover?
Lorraine's POV
Ang awkward. Ayokong magsalita.
"Six baby, gusto mo?" tanong ni Bianca kay Six
Tumingin ako kay Six. Nakatingin siya kay Bianca. Akala ko iiling siya at sasabihin na 'Ayoko'
Pero laking gulat ko ng bigla siyang ngumiti "Okay" sabi niya
Ngumiti ng malapad si Bianca at sinubuan niya si Six. Napakurap ako.
"A-hh--"
"Kayo na ba?" tanong ni Bryler
Nasamid si Six. Dali- dali siyang kumuha ng tubig at uminom. Hinagod- hagod naman ni Bianca yung likod niya. Pagkatapos niya, ngumiti siya ng matamis kay Bryler.
"Hindi pa" sabi niya
Nanlaki yung mata ko. Hindi 'pa?' so it means na may possibility na maging sila?
Nakita kong kumunot yung noo ni Bryler "What do you mean by hindi 'pa?'" tanong niya
Tumingin ako kay Six. Tapos na pala siyang uminom at ngayon nakatingin na siya sa aming tatlo. Pinagmasdan ko siya ng mabuti.
Six, nililigawan mo ba siya?
Bakit bigla akong nainis? Dahil siguro na hindi man lang sinabi sa akin ni Six na may nililigawan na pala siya.
Ano ba naman 'yan! Kaibigan ko si Six pero hindi man lang niya sinasabi sa akin!
Siguro 'yan yung sasabihin niya sa akin kagabi. Na may nililigawan na pala siya!
O_____O
Siguro nga! Siguro 'yan yung sasabihin niyang importante! Nako! Bakit ngayon ko lang na realize?!
I'm so proud of him! T__T (tears of joy 'yan)
Ngumiti ako kay Six ng malapad " 'Yan ba yung sasabihin mo sa akin?" tanong ko
Kumunot yung noo niya at nag- iwas siya ng tingin "N-a ano?" tanong niya
"Diba sabi mo kagabi may sasabihin kang importante?! Yey! Alam ko na kung ano 'yun! Sana matagal mo ng sinabi na may nililigawan ka na pala!" masaya kong sabi sa kanya
Parang natigilan siya sa sinabi ko. Bigla kasing nanlaki yung mata niya. Tumingin pa siya sa akin ng hindi makapaniwala.
May mali ba sa sinabi ko?
"Bakit?" tanong ko. Iba kasi yung tingin niya sa akin, para bang nakakita siya ng alien.
Natulala siya. Para bang may malalim siyang iniisip. Nagkatinginan kami ni Bryler.
"Bakit natulala 'yan?" bulong ko sa kanya
Nagkibit balikat lang siya at tumingin ulit kay Six. Binalik ko na rin yung tingin ko kay Six na ngayon ay nakatingin na rin sa amin, ng seryoso.
Makalipas ang ilang minuto bigla siyang ngumiti...
Yung ngiting totoo.
...at nagsalita.
"Tama ka nga Lorraine, Meet Bianca Stewart and I'm courting her" sabi ni Six sabay tingin kay Bianca na nanlaki yung mata sa narinig
Nagkatinginan kami ni Bryler ng nanlalaki rin yung mata habang nakanganga.
"Omg! For real? You're courting me?! Omg! Yes! YES! Sinasagot na kita!" Bianca.
BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Novela Juvenil|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.