Chapter 54: I'm still his maid
Lorraine's POV
Andito na kami ngayon sa field. Tapos na yung klase namin kaya dito kami dumiretso. Bukas na yung laban nila Bryler kaya kailangan kong maging supportive girlfriend. And by the way naka-akap sa akin si Bryler ngayon, parang ayaw niyang umalis sa tabi ko. Na trauma ata sa nangyari nung isang araw. >_<
"Bryler! Mag pra-practice na tayo! Bukas na yung laban!" sigaw ni Zhico sa kanya.
Umiling si Bryler "Five more minutes" sabi niya. Mas lalo niyang hinigpitan yung pagkaka-akap sa akin. Nasa likod ko siya at nakapatong yung baba niya sa balikat ko. Inaamoy pa niya ata ang buhok ko. >_<
"Bryler dun kana. Magpra-practice na kayo oh" sabi ko.
"No. Na miss kita eh at hindi ko alam kung bakit. Gusto kitang yakapin araw- araw. Mahalin araw- araw. Halikan araw- araw---"
Siniko ko siya sa tiyan niya "Abuso ka ah. Halikan talaga araw- araw? Tigilan mo ako at mag practice ka na" sabi ko sabay tingin sa kanya ng masama.
Pag- tingin ko sa kanya bigla niya akong hinalikan sa labi. Aba bwiset! Pasalamat siya wala pa yung coach nila kundi nako! Paktay na kami niyan!
"Get a room please!" sigaw nung mga ka teammates niya. Namula ako. Siniko ko ng malakas si Bryler dahilan para matumba siya sa damuhan. Okay napalakas ata yung pagkakasiko ko. Lumapit ako sa kanya at tinulungan ko siyang tumayo.
"What was that for? Ang sakit" nakahawak siya sa tiyan niya. Sorry na!
"Sorry! Ikaw kasi eh! Sabi ko mag practice ka na!" sabi ko habang pinagpagpagan yung likod niyang nadumihan.
Tumingin ako sa kanya at nakita kong naka pout siya. Tinuro niya yung labi niya. Napa-irap ako at hinalikan ko siya pero saglit lang.
"Bakit saglit lang?" tanong niya.
"BRYLER!" sabay- sabay na sigaw nung mga ka grupo ni Bryler.
"Psh" inirapan sila ni Bryler at tumingin siya sa akin.
"Hintayin mo ako ah?"
"Lagi naman"
"Baka mainip ka?"
"Andiyan si Silver"
"PINAGPAPALIT MO NA BA AKO SA KANY--"
*Poink*
"Aray!"
"Manahimik ka at mag practice ka na!" sigaw ko sabay tulak sa kanya.
Tumingin siya sa akin at nag wave siya "Basta hintayin mo ako"
Tumango nalang ako at pinagmasdan ko siyang tumakbo papalapit kila Zhico. Nakita kong saktong dumating naman yung coach nila at sinimulan na nilang mag practice. Lumapit ako sa bench kung saan naka-upo si Silver.
"Hi Lorraine!" bati niya sa akin.
"Hello"
Pagka-upo ko bigla niya akong inalog ng inalog ng malakas. Nagulat ako.
"Bukas na yung laban nila! WAAAH!"
"Shh!" pinatahimik ko siya.
"Opss sorry hihi..."
"Oh ano ngayon kung bukas na ang laban? Ikaw ba yung ilalaban?"
Nag pout siya "Lorraine naman eh! Hindi 'yun. Excited ako dahil mapapanuod ko ng maglaro ulit si idol. Hihihi! May pom poms na nga ako eh" at pinakita niya yung pom poms niyang dala (na hindi ko naman napansin) Napanganga ako.

BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Teen Fiction|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.