Chapter 37: Plan: Make him come back to me!
Lorraine's POV
"I'm so sorry Silver!"
"It's okay"
"No! It's not okay! I'm sorry! Hindi ko alam na magkapatid pala kayo!"
"Hahaha! I said it's okay"
"Anong okay? Pinagsabihan ko siya ng malandi sa harap mo! It's not okay!"
Tumawa ulit siya "Okay lang talaga. Wag ka ng mag sorry"
Hinampas ko siya "Pero sorry parin! Hindi ko talaga alam!" huhu! Naiiyak tuloy ako.
"Don't be. Okay lang talaga. Sanay na yung kapatid ko sa ganyan" sabi niya
"Sigurado ka?" tanong ko
Ngumiti siya "Sigurado"
Huminga ako ng malalim "Okay. Sabi mo 'yan ah? Pasensya na talaga. Hindi ko kasi alam. Inaamin ko na medyo...you know...na ganun yung kapatid mo. Sinagot agad si Six? Wow ah" sabi ko sabay tusok sa aking pasta at kinain ko 'yun habang nakatingin ng masama sa gawi nila Six
"Hmm. Are you jealous?"
Tumango ako "Yeah I am. She stole my best friend! Bakit ngayon lang ako nag react?! Tsk. Late reaction talaga ako kahit kailan"
Kumagat naman ako ng burger habang nakatingin parin sa gawi nila Six. Ramdam kong umaagos yung pulang ketchup sa bibig ko.
"Ahm. I mean---oh you got a ketchup *punas ng napkin sa gilid ng labi ko* Anyway, I mean are you jealous? You know, jealous- jealous?"
Tinaasan ko ng kilay si Silver "Jealous- jealous ka diyan? Ano yung ibig mong sab--"
Nahinto ako sa pagsasalita ng marealize ko yung ibig niyang sabihin. Tinignan ko ng masama si Silver na ngayon ay nakangiti na para bang inosente.
"Wala akong gusto sa kanya!" sigaw ko
"Weh?" siya.
Inirapan ko siya "Wala nga. May iba akong gusto"
"Who?" sabi niya at lumapit pa siya sa akin na para bang may maririnig siya na bagong chismis
Nilayo ko yung mukha niya sa akin "Promise na wag mo ipagkakalat?" tanong ko sabay taas ng kanan kong kamay
Tinaas niya yung kanan rin niyang kamay "Promise" at tumango -tango pa siya
Ngumiti ako "Basta wag mo 'to ipagkakalat? Si Lance yung gusto ko" bulong ko sa kanya
"Whoa. Si Lance? Akala ko si Jach yung gusto mo" mangha niyang sabi sabay apir sa nakataas kong kamay
Nanlaki yung mata ko "ANAK NI MANG KANOR! SIYA?! ASA NALANG!" napasigaw tuloy ako
Tumawa siya "Silly. Pansin kong lagi kasi kayong magkasama"
Napapikit ako. Sa ganun lang may gusto na ako kay Jach? Aba. Magkakagusto lang siguro ako kay Jach kapag nawala na yung mga dark spots sa mukha ko.
"Wag mo rin 'to ipagkakalat ah? Pero, maid kasi ako ni Jach" sabi ko
Nagulat siya. Para bang nakarinig siya ng nakakagulat na chismis. Kumagat siya ng burger habang nakatingin sa akin ng nanlalaki yung mata. Makaraan ang ilang minuto bigla siyang pumalakpak ng mahina.
"So that explains it"
Tumango ako "Ganun nga"
"Hmm. What if kung pagselosin mo si Six?"
BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Teen Fiction|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.