Chapter 49: Hurt
Lorraine's POV
"Hey"
"Bakit?"
"I thought we're going to hang out together"
"Oo nga, oh ano ngayon?"
"Bakit kasama sila?" sabay turo kila Silver, Zhico at Bryler.
"Eh kasama ko rin sila eh"
"Tss"
Andito kami ngayon sa field. Usual tambayan namin pagkatapos ng klase or di man kapag lunch. Tapos na yung klase ngayon kaya andito muna kami para magpahangin. Monday na ngayon eh. Hindi pa kami nagpapansinan ngayon ni Bryler. Isang araw na kaming walang communication. Medyo naiinis parin ako sa kanya. Matagal na pala niyang alam pero hindi niya sinabi. 'Yun ang ayoko sa lahat eh, nagtatatgo ng sikreto.
Minsan nakikita kong patingin- tingin siya sa gawi ko pero iniirapan ko siya. Sa tingin ko eto na yung tinatawag nilang 'LQ'
At oo nga pala. Nagawa ko na yung pinapalinis sa akin ni Jach sa condo ng mga magulang niya. Buti nalang talaga at wala dun yung parents niya. Umalis daw saglit. Whoa! Tapos sunod ko namang nilinis ay yung condo niya. Abuso siya talaga -_-
"Masasanay ka rin kasama sila" sabi ko kay Jach. Katabi ko siya sa may ilalim ng puno. Medyo malayo lang siya sa akin ng onti.
"Tss. You sure about this?" tanong niya na para bang iritado.
Tumango ako "Sure 'yan. Ilang araw kang hindi lumalabas eh. Kailangan mong makalanghap naman ng fresh air"
"Paano ako makakalanghap kung salita ka ng salita diyan---ouch!"
"So mabaho yung bunganga ko? Eh kung tadyakan kita diyan?"
"Tss." at tumahimik na siya. Nasaktan ata nung binira ko sa balikat.
Pansin kong kanina pa patingin- tingin si Silver sa gawi namin. Para bang gusto niyang lumapit pero nahihiya siya. Hay nako! Fanboy ka talaga ni Jach.
"Jach"
"Hmm?"
"Kailan nga pala yung laban niyo?"
"Next week"
"Kailan practice?"
Tumingin siya sa relo niya "Hmm ngayon na" sabi niya sabay tayo.
"Nuod ako ah" sabi ko sabay tayo rin. Nag- inat ako. Whoo! Ang tagal kaya naming naka- upo. Tumingin ako sa kanya.
"Sige mauna kana dun. Sunod kami" sabi ko.
Tumango nalang siya at tumakbo na siya. Siguro magpapalit na siya ng jersey niya. Lumapit ako kila Silver na naka-upo sa may bench. Nakita kong napatigil sila sa pag-uusap nung makita nila ako. Umupo ako sa may tabi ni Silver.
Bale ganito kami:
Ako| Silver| Zhico| Bryler
Malayo siya sa akin.
"What's up guys"
Tumingin si Silver sa taas "Clouds, birds, airplanes"
Kumunot yung noo ko "Ano yung pinagsasasabi mo diyan?"
"Diba sabi mo 'what's up?' Sinagot ko lang yung tanong mo"
Napa face palm ako. Lumalala ka na Silver. Tumingin ako kay Zhico.
BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Jugendliteratur|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.