Chapter 22: Operation: Pagalingin sila!
Lorraine's POV
Hanggang sa pag-uwi ko gulong- gulo ako. Hawak- hawak ko parin yung project na dala ko.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay nakatulala akong naglakad papunta sa kwarto ko.
"Anak! Kamusta si Six? Nasaan si Six? Bakit hindi mo kasama si Six?---"
Narinig kong may sinisigaw si Nanay pero hindi ko maintindihan. Lutang yung pag- iisip ko ngayon. Kung tungkol kay Six yung sinisigaw niya...bahala siya. Tsaka kapitbahay namin si Six. Bakit hindi niya puntahan diba?
Pagkarating ko sa kwarto ko agad na akong dumiretso sa higaan ko at humiga. Pagkalipas ng ilang oras sa pag-iisip nakatulog na ako. Hindi na ako nakapagbihis. Bahala na.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Kinabukasan...
Pagkapasok ko sa loob ng classroom namin umupo na ako aking upuan. Napatingin ako sa tabi na bangko ko.
BAKIT BA SA TUWING UUPO AKO LAGI AKONG NAPAPATINGIN DITO?! EXPLAIN!
Jusko! Dumukdok ako sa desk ko. Inaantok pa ako. Napuyat kasi ako kagabi kaka-isip kung sino ba yung nagsabi kay Ma'am. Hindi ako nakatulog na maayos dahil doon.
Imposible namang hinulaan lang 'yun ni Ma'am diba?
Yung mga kaklase ko nagkakagulo. Palagi naman eh. Kailan ba sila papasok ng tahimik? Kainis na nga eh! Gusto kong matulog! Dapat pala hindi nalang ako pumasok.
Nag- angat ako ng tingin. Halos wala akong makita. Waaah! Ano ba naman 'tong eye bags na 'to?! Kainis!
Tumingin ako sa paligid. Nakita ko yung mga iba kong kaklase na napapatingin sa akin. Yung iba napapaatras pa. Napa poker face naman ako.
ANO NGAYON KUNG MALAKI YUNG EYE BUGS KO AT GULO- GULO PA YUNG BUHOK KO?!
Bwiset! Sa napuyat yung tao eh! Babalik na sana ulit ako sa pagkakadukdok ng mapansin kong wala si Six sa tabi ko.
Nasaan kaya 'yun? Nagkibit balikat ako at bumalik ulit sa pagkakadukdok. Makalipas ang ilang oras, makakatulog na sana ako ng may biglang kumalabit sa akin.
Bwiset! Kitang natutulog yung tao eh! Hindi ko na sana siya papansinin ng kalabitin niya ulit ako! WHT!
Argh! Sa sobrang inis ko nag- angat ako ng tingin at tinignan ng sobrang sama yung kumalabit sa akin.
"ANO BA PROBLEMA MO?! HINDI MO BA ALAM NA NAKAKAISTORBO KA?!" sigaw ko
Pero nagulat ako nung makita ko kung sino siya. At mukhang nagulat rin siya sa ginawa ko. Magso- sorry sana ako sa kanya ng bigla siyang magsalita.
"S-orry. I d-idn't know that I'm di-sturbing y-ou" nauutal niyang sabi
Pagkayari niyang sabihin 'yun tumayo na siya at lumabas ng classroom. Napansin kong lahat pala ng kaklase ko nakatingin na sa amin. Yumuko ako at inis na sinampal yung mukha ko.
Narinig kong bumalik na ulit yung mga kaklase ko sa mga ginagawa nila. Nakayuko parin ako.
Waaaaaaah! Hindi ko naman alam eh! Huhu! Tumayo ako mula sa pagkakaupo at sinundan siya sa labas ng room.
Pagkalabas ko sinimulan ko ng maglakad para hanapin siya. Nagtanong- tanong ako sa mga ibang estudyante kung nakita nila si Silver pero ang sagot nila...
"Hindi ko nakita"
Waaaaah! Kasalanan ko 'to eh! Bakit ba kasi sinigawan ko siya? Argh! Naiinis ako sa sarili ko! Tanga ka talaga kahit kailan Lorraine! Isa kang malaking tanga! Kainis!
BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Подростковая литература|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.