Chapter 9: I'm With Him

105 21 0
                                    

Chapter 9: I'm With Him

Lorraine's POV

Nauna nang lumabas ng clinic si Jach. Binuksan ko yung pinto. Madilim. At halos onti lang na liwanag yung nakikita ko.

"Tss. Aren't you coming?" naiinis na tanong ni Jach

"E-h wait! hi-ndi ko kaya! Madilim kaya" sabi ko

"Tss"

"T-eka! Asan nga pala yung mga tao dito? Ta-yo nalang ba yung andito?" tanong ko

"Tss there's a guard but I don't know where He is" kalmadong sagot ni Jach

Nakuha pa niyang kumalma eh halos kami na nga lang yung tao dito!!! Nakakainis!

Nakita ko na may bumukas na ilaw. Cellphone lang pala 'yun ni Jach.

"Tss come on" sabi niya at nauna na siyang maglakad

Sinarado ko na yung pinto ng clinic at sumunod naman agad ako sa kanya. Napahawak ako sa magkabila kong balikat.

Yumuko ako. Tanging ilaw lang ng cellphone niya yung nagbibigay ng liwanag. At mabilis pa siyang maglakad kaya halos tumakbo ako.

Nakaramdam ako na medyo nahilo ako kaya napahawak ako sa balikat niya. Tinutok niya sa akin yung ilaw ng cellphone niya at tinabig niya yung kamay ko at naglakad ulit.

Ang sama niya talaga. Sumunod ulit ako sa kanya. Bakit kasi ang dilim dito? Wala ba ditong poste na may ilaw? o baka hindi pa nila nabubuksan?

Tapos ang tahimik pa ng kasama ko. Parang hindi nga ako nag e- exist eh -____-

"Hoy! Ano yung ginagawa niyo dito? Gabi na!"

Napatingin ako sa may sumigaw. Huminto si Jach sa paglalakad pati narin ako.

May nakita ako na guard na papunta sa gawi namin at may hawak siyang flashlight na nakatutok pa sa mukha ko. Bwiset! Nakakasilaw kaya -__-

"Ohh Mr. M-onreal ika-w po pala 'yan. A-no po yung g-inagawa niyo dito? Gabi na po. " nauutal na sabi ng Guard

"Tss" sabi ni Jach

Ang sama talaga -_-

"A-hm pasensya na po kung ginabi kami. Dinala po kasi ako kanina sa clinic at ngayon lang po ako nagising" sabi ko sa guard

"Ganun ba? Sige. Umuwi na kayo. Isasara kopa yung Gate. Bilisan niyo ah? Baka mapagsarhan kayo" sabi niya at iniwan na niya kami

Tumango ako. Nagpatuloy na sa paglalakad si Jach. Sumunod ulit ako sa kanya. Medyo binilisan niyang maglakad kaya nagmumukha tuloy ako na aso na humahabol sa kanya.

Bakit kasi ang tangkad niya? Nakakainis!

Medyo nakaramdam ulit ako ng hilo. Napahinto ako sa paglalakad. Hinawakan ko yung ulo ko kung saan may benda.

Nung mawala na yung kirot nagpatuloy ulit ako sa paglalakad pero napatigil ulit ako.

Nanginig ako. Tumingin tingin ako sa paligid. Asan siya? Wala si Jach. Naiwan ako. Naiwan niya ako. Medyo kinabahan ako.

"Jach?" tawag ko sa kanya

Pero walang sumagot. Wala akong masyadong makita. Madilim at takot ako sa dilim. Hindi ko kaya. Nagsimula na akong manginig.

"J-ach? Asan ka?" tanong ko ulit

"Jach?? Asan ka? Hindi ako nagbibiro. Lumabas ka" sabi ko pero walang sumagot. Napatingin ako sa paligid. Natatakot na ako.

"Ja-ch"

Nagsimula nang pumatak yung luha ko. Natatakot ako. Ayoko sa dilim. Hindi ko kaya magtagal sa dilim. Kinakabahan na ako.

Maid For Rent (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon