Chapter 53:Two words, fourteen letters: Sweet Boyfriend

36 2 0
                                    

Chapter 53: Two words, fourteen letters: Sweet Boyfriend

Lorraine's POV

"Are you okay?"

"Hmm"

"Eto yung pads oh. Palit ka muna, babalik pa tayo sa school mamaya. May practice pa eh. Akin na yung palda mo, ako nalang yung magtatanggal nung ahmm...tagos" sabi niya habang namumula.

Tumango nalang ako. Nakadungaw kasi ako ngayon sa banyo nila. Oo, andito ako kila Six, kung saan nakatira silang apat. Inabot niya sa akin yung whisper (namumula parin siya)

"Yung palda mo" sabi niya

"Wala akong doble" mas lalo siyang namula.

"Saglit lang" sabi niya. Umalis siya saglit. Pagkabalik niya may dala siyang short. Siguro sa kanya, boxer kasi eh. Inabot niya 'to sa akin.

"Thanks." sinarado ko muna yung pinto. Tinanggal ko yung palda ko. Naglagay muna ako ng napkin sa panty ko bago ko isuot yung boxer na bigay niya. Binuksan ko yung pinto at binigay ko na sa kanya yung palda ko. Pero may pumasok sa isip ako.

"Ahm Six ano ako nalang kaya yung maglaba. Nakakah--"

"No. Ako nalang. Pahinga ka nalang, kanina ka pa iyak ng iyak eh. Mukhang pagod ka"

"Pero--"

Inagaw niya sa akin yung palda ko. "Sa sofa ka muna. Kung gusto mo sa kwarto ihahatid kita doon"

Umiling ako "Okay na ako sa sofa" sabi ko sabay ngiti sa kanya. Ngumiti rin siya at ginulo niya yung buhok ko.


"Sige, pahinga ka muna dun. Hintayin mo ako" sabi niya. Tumango ako at pumuta na ako sa sofa. Pagka-upo ko napabuntong hinga ako.

Hays! Kababati lang namin tapos nag-away ulit kami? Ganito pala kapag nasa isang relasyon hano? Masaya na nakakakilig na minsan nakakainis. Psh.

Nakakainis lang eh! Bakit kung makapag react si Bryler kanina para bang may pake siya dun kay Tiffany? Bwiset! Ako yung girlfriend pero si Tiffany yung tinulungan! Grr! Hinding- hindi kita patatawarin Bryler! Magdusa ka! Bwiset!

"Oh mukhang bad trip ka na diyan. Bakit nag kalat yung mga unan?" napatingin ako kay Six na ngayon ay nakatayo sa harapan ko habang nakakunot yung noo. Tumingin ako sa paligid.

Huh? Eh kanina maayos lang 'tong sala ah? Bakit nagkalat na yung mga unan? Siguro binalibag ko lahat hehe. Awkward akong tumingin kay Six sabay peace sign.

"Aish!" napasabunot nalang siya sa buhok at inayos niya ulit yung mga unan. Tinulungan ko siya.

"Sorry Six, naiinis lang kasi ako eh" sabi ko pagkatapos namin iligpit yung lahat ng ginulo ko.

"Okay lang, ano ba kasi ang problema?" tanong niya.

Kinuyom ko yung kamao ko nung maalala ko nanaman 'yun! "Si Bryler! Bwiset siya!"

"Bakit? Ano yung ginawa niya?"

"May inakap lang naman siyang babae kanina sa harapan ko!" sigaw ko sabay bato ng isang unan.

Nasalo 'to ni Six at nilagay niya ito sa tabi niya. "Sino ba yung babae?" tanong niya.

"SI TIFFANY!" sigaw ko sabay bato ulit ng isa pang unan. Nasalo niya 'to at nilagay niya 'to sa tabi niya.

"Si Tiffany? Familiar yung pangalan pero hindi ko pa ata nakikita yung itsura. Hmm"

Binato ko ulit yung unan pero nasalo niya ulit ito "Yung magandang babae na walang alam kundi lumandi sa boyfriend ko! BOYFRIEND ko yung inaahas niya! Bwiset! Nakakainis! Pigilan mo ako Six! PAPATAYIN KO ANG BABAENG 'YUN!" tumayo na ako at sinimulan ko ng maglakad papalapit sa pinto.

Maid For Rent (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon