Chapter 44: Stalking Jach Monreal
Lorraine's POV
Tama nga yung hinala ko, kumalat na sa buong school.
Kami ni Bryler yung naging topic. Meron kasing official page sa facebook yung St. Monreal Academy. Duon nila pinost yung pictures namin kahapon. Paano ko nalaman? Easy, pinakita sa akin ni Carl ngayon.
At ang gago kinikilig daw.
"Ayiie!"
Diba, kanina pa 'yan. Walang tigil. Andito ako ngayon kila Bryler, sa bahay nila. Tapos naman na yung mga exam at sabado ngayon kaya dito muna ako tumambay.
Anyways, hindi ko pa nakikita si Jach dito. Ang sabi naman daw ni Carl nasa parents niya. Akala ko umuwi na yung mga magulang ni Jach. Hindi pa pala.
Si Six? May date daw sila ni Bianca. Napabuntog hinga nalang ako. Si Silver, eto kasama namin. Andun siya sa kusina kumakain. Matakaw pala si Silver.
Andito ako sa living room. Kasama yung dalawa, si Carl at Bryler. Nakaakbay sa akin si Bryler samantala si Carl kanina pa kami kinukuhanan ng picture. Mapapatay ko 'yang si Carl eh!
"Hindi ka ba titigil?!" sigaw ko
"Hindi hihi. Nakakakilig kasi kayo. Bryler ma men! Lalaki kana! First girlfriend mo si Lorraine!" sabi niya
Nagulat ako at namula. Weh? First girlfriend niya ako? A-ako yung first niya?
Tumingin ako kay Bryler at nakita kong namumula rin siya.
"Ayiee tapos namumula kayo. Ayiee, inggit ako. Ayiee, libre naman diyan, ayiee"
Kailan ba 'to titigil sa kaka 'ayiee' niya? Nakakabwiset ah.
"Libre mo tae mo" sabi ko
"Yuck. Kung ayaw niyo manlibre edi wag! Bibili nalang ako ng akin! Sanay naman na ako eh. Tsaka marami akong pera. Bye!" sigaw niya
Taas noo siyang pumunta sa pinto at lumabas na siya. Nagkatinginan kami ni Bryler at nag- iwas rin ng tingin. Syete bakit ang awkward?
Bumukas ulit yung pinto at niluwa nun si Carl na namumula.
"Ahh. Bryler pahingi ngang pera. Naubos na kasi yung pera ko eh" parang bata niyang sabi sabay pout pa
Inis na kinuha ni Bryler yung wallet niya sa bulsa at binato niya 'to sa mukha ni Carl. Tuwang- tuwa nung nasalo ito ni Carl at nagtatakbo na siya papaalis.
"BYE!" rinig kong sigaw niya
"Wala na talaga 'tong pag-asa" rinig kong bulong ni Bryler
BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Teen Fiction|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.