Chapter 33: Preparation for the Party
Lorraine's POV
"Bakit tayo andito Bryler?" tanong ko
Andito kasi kami ngayon sa may isang tapat ng burger shop. Alam kong andito kami para kumain pero hindi ko naman ineexpect na dito niya ako idadala.
Hindi niya ako sinagot. Hinila niya ako papasok sa loob. Pagkapasok namin tumingin siya sa akin.
"Oorder lang muna ako..."
At naglakad na siya papunta sa counter. Naghanap narin ako ng mauupuan namin. Pagka-upo ko hinintay ko si Bryler na nasa counter, umoorder.
Tumingin- tingin ako sa paligid. Napabuntong hinga ako. Bakit ba ako dinala dito ni Bryler? Pero sabagay gutom na kasi ako. Nawalan ako ng gana kanina.
Nakita ko si Bryler na may dalang tray. Tinaas ko yung kamay ko at kumaway ako para makita niya ako. Noong makita niya ako lumapit na siya sa akin at umupo na sa harap ko.
"Mabuti naman dahil dinala mo ako dito! Gutom na ako eh!" sabi ko
Kinuha ko agad yung burger sa tray at kinain 'yun agad. Napapikit ako. Shemay! Ang sarap! Feel ko nasa heaven ako sa sobrang sarap! Napapapikit pa tuloy ako.
Habang nilalamon ko yung burger naramdaman kong may nakatingin sa akin. Dinilat ko yung mata ako at nakita ko si Bryler na nakatingin sa akin.
"Bakit?" tanong ko habang ngumunguya
Blank yung expression niya habang nakatingin sa akin "Ganyan ka ba kung kumain?" tanong niya
"Ano?"
"Tss. May ketchup ka pa" sabi niya
Kumuha siya ng tissue at pinunasan yung gilid na labi ko. Pagkayari niya punasan yung gilid ng labi ko tumingin siya sa akin.
Natigilan ako. Naalala ko nanaman yung nangyari kanina.
Tumingin ako sa kanya sabay lunok ng aking burger. "H-ay nako Bryler! Alam kong niloloko mo lang ako kanina sa mga pinagsasasabi mo. Alam kong nag jo- joke ka lang. Hahaha! Tignan mo ako, tumatawa ako oh hahaha!" sabi ko sabay turo sa mukha ko na kunyaring masaya ako
Pero hindi siya tumawa. Nakatingin lang siya sa akin. Shemay! Eto na nga ba yung sinasabi ko. Kaya ayokong nagbibiro kapag si Bryler yung kasama ko eh. Masyadong seryoso.
Hindi ko keri. >__<
"B-ryler?"
Hindi siya sumagot. Napalunok ako.
"B-ryler?"
Shet! Kinakabahan ako. Tumingin nalang ako sa burger ko at kumagat. Tahimik kong nginunguya yung burger ko ng biglang magsalita si Bryler.
"Lorraine, all what I'd said earlier is true. Hindi naman masama diba? Wala naman sigurong masama kung ita-try ko diba? Lorraine, sa ngayon wala pa akong gusto sa'yo"
Tahimik lang ako. Hindi ako nag-angat ng tingin. Pinagpatuloy ko paring kumain ng burger ko.
"Pero etong nakikita ko ngayon. Ang Lorraine na nagblu-blush sa harapan ko ay baka ma-fall na ako"
Patience Lorraine. Kumain ka lang. Sa burger ka lang muna mag focus. Wag mong tignan si Bryler. Patience.
Hindi na siya nagsalita pa. Nakahinga ako ng maluwag. Pero Lorraine wag ka muna tumingin sa kanya. Kaya mo 'yan. Wag ka munang titingin. Baka matunaw ka---
BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Teen Fiction|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.