Chapter 34: Let's start the party
Lorraine's POV
Pagkahinto ng sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay, bumaba na kami sa sasakyan. Tumingin ako sa paligid.
Loud noises, check.
Pool, check.
Girls with bikinis, check.
Guys that are topless, check.
Disco, check.
Mail box that has a bra on it, check.
And couples that are making out under the tree or even inside a washing machine, check.
It's official, nasa isang party nga ako.
At kinakabahan ako. Bakit ang daming tao?! Bakit ang ingay?! Ganito ba sa isang party?!
Kung saan- saan sila naghahalikan! Yung iba namumukhaan ko pa. Karamihan ka- school mate ko sila.
Tumingin ako kay Bryler.
"Bryler? Sigurado ka ba dito? Baka---"
"Don't worry. Just stay by my side. Don't go anywhere. Don't trust anyone. Just me. Got that?"
"Pero--"
"No buts -_-" nakapoker face niyang suway sa akin
Tumahimik nalang ako at tumingin- tingin ulit sa paligid. Medyo madilim na yung kalangitan kaya mabuti nalang at nakarating agad kami dito.
At ang ingay ng paligid. Masyadong malakas yung kanta at halos mabingi na ako sa sobrang lakas. May mga babae sa pool na nakabikini at may hawak silang baso na may laman na wine. Meron ring mga lalaki na nakatopless at kasama nila yung mga babae sa pool. May mga couples naman na kung saan- saan lang naghahalikan. Ang sarap ihampas sa mukha nila ang salitang 'PDA'
At ako lang ba o sadyang bra talaga yung nakikita ko na nakapatong sa isang mailbox?
May nakita rin akong panty at boxer na nakasabit sa puno. Mukhang may uuwing...alam niyo na.
Naramdaman kong hinawakan ni Bryler yung kamay ko ng mahigpit. "Let's go" at hinatak na niya ako papasok sa loob.
Habang naglalakad kami nakatingin lang ako sa mga taong nasa paligid namin. Natatakot akong mahiwalay kay Bryler. Baka kung ano yung gawin ko.
At hindi pa ako nakakainom ng alak.
"Yo! Bryler! You made it man!"
Napatingin kami sa tumawag kay Bryler. May nakita akong isang matangkad na lalaki, maputi, naka top less, singkit na mata, mapulang labi, kulot na buhok at may hawak siyang wine.
In short, gwapo.
Bakit ang dami kong nakikitang gwapo ngayon? At bakit parang familiar siya? Parang nakita ko na siya?
Pagkalapit nung lalaki kay Bryler agad niya itong sinuntok sa braso. Yung nice way.
"Dude! Akala ko hindi ka na pupunta"
Tumingin ako kay Bryler at nakita kong naka poker face lang siya habang nakatingin sa lalaki.
"Who are you?" tanong ni Bryler dito
Nagulat yung lalaki "What?! Hindi mo ako kilala?! Dude I'm---"
"Just kidding. Yah I know you. You're Zhico, Jach's teammate in baseball" sabi ni Bryler, still wearing his poker face.

BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Teen Fiction|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.