Chapter 6: My First crush
Lorraine's POV
"Patay" sabi ko
Nagtaka naman sila Pinky sa sinabi ko. Nakatingin lang ako kay Jach at ganun rin siya. Ang pinagkaiba lang, ang sama ng tingin niya. Nakita kong kinuyom niya yung kamao niya. Nanginig ako. Kailangan ko nang umalis.
"A-hm a-h Ms. M-o--nreal eto napo yung pa-pel. S-alamat po. B-ye. P-inky? U-na na ako" nauutal kong sinabi
Dali-dali akong lumabas. Narinig kong tinawag pa ako ni Pinky pero hindi ko na siya nilingon. Kailangan ko nang umalis.
Nang makalabas na ako sa Office tumakbo na ako. Pero pag minamalas ka nga naman, sa laki ba naman ng school na 'to hindi na ako magtataka kung maliligaw ako. Ayan tuloy hindi ko alam kung nasaan ako ngayon T__T
"Hays! Nakakainis naman!"
Kamalas ko talaga. Naglakad lakad nalang ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Maraming nakatingin sa akin. Karamihan nandidiri sila.
-____-
Purkit ganito lang yung suot ko ang sama nila makatingin. Edi sila na mayaman. Yung iba tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Kung makatingin naman sila ah. Naiinis na ako.
"Who is she?"
"I don't know"
"She's so cheap. She doesn't belong here"
Napatingin ako sa mga nag-uusap. Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang ulit sa paglalakad. Sari-saring panlalait yung naririnig ko habang naglalakad ah -__-
May mga lalaking pinatitripan ako. Nako! Ang gwa-gwapo pa naman sana kaso ang pangit ng ugali.
Tumingin nalang ako sa dinadaanan ko. May nakita akong lalaki na tumatakbo papunta sa gawi ko.
Kusang kumislap yung mga mata ko. Ang gwapo nung tumatakbo. Walang-wala sa mga gwapo na nakita ko kanina. Matangkad siya na maputi. Nakasando at Jeans lang siya. Napalunok ako. Tumingin ako sa bandang tiyan niya. Jusko! Tukso! Tukso! Bakat yung abs niya! Waaaaaah! *__*
Parang nag slowmotion yung lahat nung tumatakbo siya papunta sa akin. Lahat ng tao sa paligid ko bigla nalang nawala at tanging siya lang yung nakikita ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ang bilis?
Tumingin ulit ako sa lalaki. Nakatingin siya sa akin. Waaaaaaaaah! May sinasabi siya pero hindi ko maintindihan. Nakatingin lang ako sa kanya. Habang siya parang may sinisigaw. Napapikit ako. Ang sarap sa pakiramdam na----
"MISS! EXCUSE ME!!!!"
Napadilat agad ako. Nakita ko nalang yung sarili ko sa sahig. Ang sakit! hinimas ko yung likod ko. Waaaaah! Ang sakit! T__T
"Miss! Sorry! Hindi ko sinasadya! Aish ikaw naman kasi sinisigawan na nga kita pero hindi ka parin lumilihis"
Napatingin ako sa nagsalita. Kusa nalang akong napanganga. Yung lalaki kanina, yung tumaktakbo. Hindi ko akalain na mas gwapo pala siya pag malapitan. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.
"Miss? Hoy Miss!"
Nagulat ako nang may yumugyog sa akin. Hindi ko alam na nakatulala na pala ako sa kanya.
"Hey Miss! Are you okay? I'm sorry okay?" at nilahad niya yung kamay niya sa akin
Napatingin naman ako sa kamay niya. Nagdalawang isip pa ako kung aabutin ko pero nagulat ako nang hawakan niya yung kamay ko at tinulungan niya akong tumayo.
Parang may kuryente nung hinawakan niya yung kamay ko. Jusko! Feel ko ang pula ko ngayon.
"Sorr--hey Miss! Are you okay? Bakit ang pula mo?" natataranta niyang tanong
BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Teen Fiction|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.