Chapter 51: Adventure with him.
Lorraine's POV
"Walanghiya ka! Ikaw lang pala 'yun! Bwiset ka!"
"Ouch! Hey!"
"Uwaaaaaaaaaaaaaah!"
Bwiset na Jach! Siya lang pala yung nakita namin kagabi! Wagas pa naman akong makatili nun. Tapos napatawad ko agad ng di- oras si Bryler dahil sa kanya! Pero okay na rin 'yun at least nagkabati na kami ni Bryler.
Pero bwiset talaga si Jach eh! Hinampas ko pa ulit siya ng malakas sa balikat.
"I hate you!!!"
"Go Lorraine! Tirahin mo lang si kuya Jach! Muntik na akong mamatay sa kanya kagabi! Buti nalang talaga at nag peace sign ako! GO MOMMY!" sigaw ni Silver na may hawak pang banner. Matanong ko nga, saan niya nakuha 'yun?
"Ouch! Tama na! Stop it!" sigaw ni Jach sa akin.
"Huh! Sa tingin mo takot pa ako sa'yo? Pagkatapos nung ginawa mo kagabi?! Sino hindi maiinis dun?! Bwiset ka talaga!" sigaw ko pa.
Paano ko nalaman na siya 'yun? Sinabi lang naman niya sa amin na siya lang daw yung nakita namin. Cool na cool pa siya habang nagkwekwento samantala kaming apat ang sama na nung tingin sa kanya.
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at pagtingin ko dito nakita ko si Bryler.
"Kalma lang Lorraine, ayokong nakikita kang galit." sabi niya habang nakangiti.
Tinuro ko siya "Isa ka pa! Hindi pa ako nakaka move on dun sa ginawa mo kahapon! Sino yung babaeng 'yun?!" sigaw ko.
Mukhang natakot siya kaya tumingin siya kay Zhico. Tumingin ako kay Zhico na ngayon ay naglalakad na papalayo sa amin.
"ZHICO!!!!" sigaw ko sabay tayo.
Napahinto siya sa paglalakad at dahan- dahan siyang tumingin sa akin. Tinignan ko siya ng masama. Nagulat ako ng bigla siyang nagtatakbo papalayo. Hinabol ko siya.
"Zhico! Bumalik ka dito!" sigaw ko.
Bwiset! Tatakbo pa siya ah?! Tignan ko lang.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Silver's POV
"Nakakatakot naman magalit si Lorraine" sabi ko kay Bryler.
"Tell me about it" sabi rin niya habang nakatingin kay Lorraine na hinahabol si kuya.
"Psh. Ang sakit niyang mamalo" sabi naman ni kuya Jach.
Nagningning yung mga mata ko at dahan- dahan akong humarap kay kuya Jach. Tinaasan niya ako ng kilay. Mas lalong nagningning yung mga mata ko. Hihi.
"Kuya Jach, malapit na po yung laban niyo ah. Pwede po bang ahh---" shit! Nahihiya ako! ^__^
"What?" tanong niya habang hinihimas yung braso.
"P-pwede po bang pa autograph hihihihihi" sabi ko sabay labas ng notebook at ball pen.
Mas lalong tumaas yung kilay niya. Pinagmasdan niya muna yung CUTE kong face bago niya kuhanin yung papel sa kamay ko at pinirmahan niya ito. Napanganga ako.
"Here" sabi niya sabay abot ng papel.
Nakanganga parin ako. Nanginginig kong inabot yung papel sa kamay niya. Pagka-abot ko nito bigla akong nahimatay.
BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Novela Juvenil|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.