Chapter 57: She's back!
Lorraine's POV
"Bryler lasing ka na!"
"Hahaha! N-no I'm not!" suminok siya.
"Bryler! Umuwi na tayo, please"
Nag-aalala ako. Halos lahat sila lasing na. Kanina pa kami nag paparty dito. Hindi ko makita si Silver. Si Zhico lasing na rin. Si Tiffany at Carl hindi ko na rin alam kung nasaan sila! Jusko!
"Lorraine" napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita kong si Six ito. Thank God hindi siya lasing!
"Six! Pwede bang ihatid mo kami ni Bryler? Lasing siya. Maaksidente siya kung siya ang magmamaneho" sabi ko.
"Oo naman." sabi niya sabay ngiti. Lumapit na siya kay Bryler na lasing at inalalayan niya ito. Lumapit rin ako sa kanila at tinulungan ko si Six.
"Okay lang ba sa'yo Six?" tanong ko.
"Oo naman. Hindi ako umiinom noh. Kapag may problema lang." sabi niya.
"Salamat ah" sabi ko.
"Okay lang. Tara na" sabi niya.
Lumabas na kami sa bahay ni Zhico. Marami paring nagpaparty. Gabi na kasi. Baka hanapin na ako ni Nanay. Tsaka lasing si Bryler. Masyado siyang maraming nainom kanina. Hindi ko alam kung bakit. Kanina pa niya ako gustong halikan. Eh lasing siya. Baka iba yung gawin niya.
"Si Jach nga pala?" tanong ko.
Gusto kong mag sorry sa kanya. Sinigawan ko siya kanina. Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko at sinigawan ko siya. Ang tanga ko talaga.
"Hindi daw siya pupunta. Kanina ko pa siya tinawagan. Hindi ko nga alam kung nasaan 'yun" sabi niya.
"Bakit mo ba siya hinahanap?" tanong niya pa.
Umiling nalang ako at ngumiti sa kanya. Pagkarating namin sa sasakyan ni Bryler pinasok na namin siya sa loob.
"Teka lang Lorraine. May nakalimutan ako sa loob. Naiwan ko yung cellphone ko. Hintayin mo nalang ako ah?" sabi niya.
Tumango ako. Nagmamadali na siyang umalis para kuhanin ang cellphone niya. Binuksan ko na yung pinto ng sasakyan at pumasok na ako sa loob. Pero hindi ko sinarado yung pinto.
"Ano ba kasi problema mo at naglasing ka?" tanong ko sa kanya. Although na alam kong natutulog siya kinausap ko parin siya.
"Sabi ko sa'yo wag kang maglasing eh" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Novela Juvenil|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.