Chapter 14: My second horrible day of work but at the same time...happy

101 21 0
                                    

Chapter 14: My Second horrible day of work but at the same time...happy

Lorraine's POV

"Lorraine!"

Dali- dali akong lumapit sa kanya "Po?"

"Go get me some juice. Now"

Binato niya sa akin yung pera. Huminga ako ng malalim at kinuha ko 'yun. Palihim ko siyang dinilaan at umalis na.

Nakakainis. Pangalawang araw na 'to ng pagtatrabaho ko sa kanya. At masyado siyang abuso!

Kahapon halos pahirapan niya ako. Lahat ng gamit niya pinapadala sa akin. Kulang na nga lang pati siya ay magpabuhat sa akin eh -_-

Pagkarating ko sa cafeteria bumili na ako ng juice. Tss sabi nung nagtitinda balikan ko nalang daw yung sukli. 1000 kasi yung pera eh.

Kinuha ko yung juice at sinimulan ng maglakad pabalik sa Gym. Lunch time naman na namin kaya eto ako ngayon inuutusan nanaman niya.

"LORRAINE!!!"

"Ay kalabaw na mukhang baka na may lahing pusa at half na kabayo!!!" sigaw ko sabay hawak sa dibdib ko

"Hahahahahahahahaha!!!"

Napatingin ako sa tumatawa "Hoy! Tumigil ka nga! Ang sama mo! Muntik na akong atakihin 'dun ah!" sigaw ko kay Lance

"Haha—sor—haha! E-h kasi—hahaha! Yu-hahaha!"

-_______-

"Sige tumawa ka muna. Take your time" sabi ko

Pinunasan niya yung luha niya sa kakatawa at tumingin sa akin "Hahaha! Sorry ah? Na miss lang kasi kita. Isang araw lang tayong hindi nagkita pero namiss agad kita" sabi niya

Hindi ko maiwasan na mamula sa sinabi niya. Bwiset! Kinikilig ako! >___<

"Ayieee! Namumula siya! Crush mo ako noh?" tanong niya sabay sundot sa bewang ko

'Higit pa sa crush!'

Pero siyempre hindi ko 'yun sinabi sa kanya "H-indi ah!" tanggi ko

"Weeeeh?"

"Oo nga! Aalis na ako. Bye" sabi ko at nauna nang maglakad

Naramdaman kong sumunod siya sa akin at sumabay sa paglalakad. Nagulat ako nang bigla siyang umakbay sa akin dahilan para mapatingin sa amin yung mga estudyante na madadaanan namin. Pero hindi ko nalang sila pinansin.

"Saan ka pupunta?" tanong niya

Tumingin ako sa kanya "Sa Gym" sagot ko

"Ano gagawin mo 'dun?" tanong niya

Bakit ba ang kulit niya ngayon? "Mag ba-basketball, swimming, volleyball, badminton, tennis, chess, table tennis at kung anu-ano pang klase ng laro. At kung gusto mo mag tambling pa ako 'dun" sagot ko sa kanya

Natawa naman siya "Hahahaha! Seryoso kasi! Bakit ka nga pupunta 'dun?" tanong niya

Ngumiti ako sa kanya ng pilit "Ibibigay kay Jach" sabi ko sabay pakita sa kanya yung juice na hawak ko

Napahinto siya sa paglalakad. Pati rin ako. Tumingin ako sa kanya. Napansin kong sumeryoso yung mukha niya. T-eka! Bakit nag iba agad yung mood nito? May mens rin ba siya?

"Ano meron sa inyo ng pinsan ko?" tanong niya

Napatigil ako "H-a? Kami?"

"Oo. Ano meron sa inyo?" tanong niya

"H-uy! Walang kami! Asa namang liligawan ako 'nun" sabi ko

Nagulat ako nang bigla siyang tumawa ng malakas. Bakit ba ang bipolar niya ngayon?

Maid For Rent (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon