Chapter 18: How Romantic :)
Lorraine's POV
Bwiset! Nakakainis! Kung pwede ko lang lasunin yung amo ko eh malamang sa alamang! Kanina ko pa 'to nilagyan ng lason!
Pero hindi pwede. Kailangan ko muna makuha yung sweldo ko bago siya mamatay *evil grin*
Hahaha! Joke lang! Baka nga iniisip niyo na papatayin ko siya. Sa susunod ko nalang gagawin 'yun.
Kasalukuyan kong nilalagay yung gamot sa tubig para malusaw. Hindi ko naman alam kung anong klaseng gamot yung pinapakuha niya kaya iba't ibang klase ng gamot yung nilagay ko sa tubig.
Gamot sa pang- sakit sa ulo, sakit sa tiyan, sakit sa katawan, at kung anu- ano pa yung nilagay ko. Okay na siguro 'to? Baka gumaling na si Jach niyan.
Hinawakan ko na yung baso na may laman na tubig kung saan ko tinunaw yung lahat ng gamot. Umalis na ako sa kusina at nagpunta na sa kwarto ni Jach.
Kumatok muna ako ng ilang beses para makupirma kung patay na nga siya. Haha! Joke lang 'yun. Pinihit ko na yung doorknob since wala namang nagbukas ng pinto (Naks, tumataglish ako ah)
Pagkabukas ko ng pinto tumambad agad sa akin si Jach na nagbabasa ng libro. May suot siyang salamin at halatang bad trip siya dahil nakakunot yung noo niya.
Napansin niya sigurong andito ako kaya napatingin siya sa gawi ko. Muntik ko ng mabitawan yung hawak kong baso dahil ang sama nung tingin niya sa akin.
"E-to na yung gamo---"
"Come with me"
Huh?
"A-no?" tanong ko
Tinanggal niya yung suot niyang salamin at sinarado yung hawak niyang libro sabay tingin sa akin ng seryoso.
"I said come with me" sabi niya
T-eka ano daw? 'Come with me'? Saan naman kami pupunta? At BAKIT AKO YUNG INAAYA NIYA?
"S-aan---"
"No buts. You will come with me either you like it or you like it" sabi niya
-_- As if I have a choice (Naks, ume-english)
Huh! ano siya sinuswerte? Naglakad ako papalapit sa kanya ng nakataas yung kaliwa kong kilay. Nagtataka naman siya sa ginagawa ko. Huh! Aba dapat lang siyang magtaka!
Nilahad ko yung kanan kong kamay sa mukha niya nung makalapit na ako. Napatingin siya sa kamay ko ng nakakunot yung noo sabay tingin sa mukha kong mataray yung tingin sa kanya.
"What's that?" tanong niya
"Paa. Paa ko 'yan eh. Mawalang galang na pero pwede ko na bang makuha yung sweldo ko?" sabi ko sa kanya
Inirapan niya ako at may dinukot siya sa bulsa niya. Nakita kong nilabas niya yung wallet niya at kumuha ng pera at binato sa kamay ko.
Bwiset! Lumuhod ako at pinulot ko yung mga nalaglag na pera.
"Satisfied?" tanong niya
Napairap ako. Hindi naman niya siguro makikita yung pag-irap ko dahil nakayuko ako. Pagkatapos kong pulutin yung mga pera tumayo na ako at binilang 'yun.
Tumingin ako kay Jach ng masama "Hoy! Akala ko ba P25, 000 kada weekends? Eh P10,000 palang 'to" sabi ko
Inirapan niya ako bago magsalita "Sa next week nalang yung P15,000. Wala ka namang kwentang maid eh" sabi niya
Aba! Bwiset! Kung hindi lang kami naghihirap eh hindi na ako magtatrabaho eh. Hmp! Kainis! Pag ako yumaman! Lintek na Jach na 'yan siya yung una kong pahihirapan.
BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Teen Fiction|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.