Chapter 4: The Time before the Incident happened
Six's POV
"Whhooo! Sa wakas andito narin!" sigaw ni Carl sabay salampak sa....wala panga pala kaming couch.
"Ouch!"
"Pfffft-bwahahahah!!!"
"Tss Langya!" sigaw niya sa amin
Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya. Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang tumayo. Inilibot ko yung paningin sa loob ng bahay. Hmm Malaki. Maganda yung loob pero wala pa kaming mga gamit. Ano'ng klaseng bahay 'to?
"Hmm okay narin" bulong ko
Umakyat ako sa hagdanan. May nakita akong pinto. Lumapit ako doon at binuksan. Tinignan ko yung loob. Wala pang masyadong gamit pero maluwang yung loob.
"Hmm okay dito ak--"
"Mine"
Napatingin ako sa likod ko. Hindi ko alam na sumunod pala sa akin yung tatlo.
-______-
"Hey Jach! Dito ak—"
Bigla nalang niya ako tinignan ng masama. Tumahimik nalang ako. Baka masuntok pa ako -__-
Pumunta nalang ako sa kabilang kwarto. Apat kasi yung pinto na nakita ko, mga nakahilera. Binuksan ko yung pinto. Pumasok ako sa loob. Hmm tinignan ko yung cr pati narin yung walk in closet. Kompleto ah. Kulang nalang ay katre.
"Hmm I like it. Dito ako"
Lumabas na ako at bumaba sa hagdanan. Nakita ko silang tatlo. Nasa lapag. Buti nalang at may malaking carpet sa gitna. Lumapit ako at tumabi sa kanila.
"Tss. Bro! Paano na? Wala pa tayong mga gamit" sabi ni Carl kay Jach
Tumango naman kami ni Bryler. Wala pang katre! Saan tuloy kami matutulog niyan?
"Tsk! They will arrive tomorrow" sabi ni Jach
"Ano? Bukas pa?! Saan tayo matutulog?! Ayoko matulog sa lapag! Langya!" natatarantang sinabi ni Carl
=____=
Tss Ganyan talaga si Carl. Hindi sanay matulog sa lapag. Baka nga eto pa yung first time niyang matulog sa lapag.
"Then sleep outside! Psh I'm going to sleep now" sabi ni Jach
Lumapit siya sa maleta niya. Kumuha siya ng travel bed at nilatag niya yun sa ibabaw ng carpet. Tinanggal niya yung leather jacket at balanggot niya at nahiga na.
Nagkatinginan kaming tatlo. Wala na rin kaming magagawa kundi matulog. Lumapit ako sa maleta ko at kumuha ng travel bed. Nilatag ko na 'yun at humiga pagkatapos kong tanggalin yung balanggot at leather jacket ko.
Pipikit ko na sana yung mata ko nang may naramdaman akong may umakap sa akin.
-____-
Hinayaan ko nalang si Carl at natulog na.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Kinabukasan...
*Ding dong*
*ding dong*
"Hmmm" angal ko
Ang ingay naman! Humarap ako sa kabilang side at tinakpan yung mukha ko ng unan. Papikit na ako nang may gumalaw. Naramdaman kong may yumuyug-yog sa akin.
"Pssst Hoy! Gising! May tao! Buksan mo yung pinto!"
"Hmmm"
"Hoy!!!"
BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Novela Juvenil|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.