Chapter 52: B*tch

30 3 0
                                    

Chapter 52: B*tch

Lorraine's POV

"Ang babata niyo pa pero ang titigas na ng mga ulo niyo!" sigaw sa amin nung pulis. Napayuko ako.

Naiiyak na ako. Huhu! First time ko lang mahuli ng pulis! Inosente kami! Hindi kami magnanakaw! Ang kulit nila! Kanina ko pa hinahampas sa mukha nila yung katotohanan pero ayaw nilang makinig. Bwiset -_-

"Hindi nga po kami magnanakaw" sabi ko. For the 100th time. 

"Magsabi kayo ng totoo! Baka gusto niyong tawagin ko pa ang mga magulang niyo?" sabi nung matabang pulis.

Tumingin ako kay Bryler na ngayon ay tahimik lang. Napatingin siya sa akin at nakita kong nag-aalala siya dahil nangingilid na yung luha ko. Tinignan niya ng masama yung pulis sa harapan namin.

"Let us go. Inosente kami. Wala kaming ginawa na masama" malamig na sabi ni Bryler sa mga pulis.

Nagtinginan yung mga pulis at sabay- sabay silang tumawa. "Hay nako! Nagawa niyo pang magsinungaling? Eh kitang- kita namin kung paano mo kinuha yung singsing sa matanda"

"Binigay ko sa kanya 'yun" sabi ko

"Weh?"

"Weh ka rin."

"Etong batang 'to! Kung talagang wala kayong ginawa eh ano yung sinisigaw nung matanda na magnanakaw kayo?"

"Purkit sumigaw lang siya ng 'magnanakaw' kami agad 'yun? Masamang bang tumulong? Malay ko sa matandang 'yun. Baliw ata" naiinis na ako. Pag ganitong beast mode ako hindi ko na macontrol yung bunganga ko.

"Aba! At sumasagot kapa? Tignan lang natin. Papasukin niyo yung babae!" sabi nung isang pulis. Tumingin ako sa pinto at nakita kong pinapasok nila yung matandang babae kanina.

"Oh ayan. Sino po yung nagnakaw kanina?" tanong nung isa sa matanda.

Tumingin sa amin yung matanda at nanlaki yung mata niya. Tinuro niya ako "MAGNANAKAW!" 

Huh? -_-

"Tignan mo! Ikaw pala yung nagnanakaw!" sabi nung pulis sabay tingin sa akin ng masama.

Naguguluhan kong tinignan yung matanda "Yung totoo po? Magnanakaw? Eh wala naman po akong kinukuha sa'yo" mahinahon kong sabi.

Nagulat ako ng biglang tumayo yung matanda at sinugod niya ako. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na napatayo si Bryler pero pinigilan siya nung mga pulis.

"Magnanakaw! Magnanakaw!" sigaw pa siya ng sigaw habang nakaturo sa akin.

Nababaliw ba siya? Kanina pa siya sigaw ng sigaw ng 'magnanakaw' 

"Boss!" napatingin kami sa sumigaw.

"Bakit?"

"May naghahanap sa matandang babae. Nurse ata yung naghahanap" 

"Papasukin niyo" 

Nakita kong pinapasok nila yung babaeng nurse. Maganda siya, makinis, maputi at matangkad. Nakasuot pa siya ng pang nurse na damit. Wow for a nurse like her mas bagay sa kanya mag trabaho sa mga opisina. Ang ganda niya.  

"Thank you po. May nakita po ba kayong---LOLA!" napasigaw yung babae sabay takbo sa matandang babae.

Hinila niya ito at inakap niya. Tumingin siya sa mga pulis "Ano yung ginagawa niya dito?" 

"Ahm ninakawan po kasi siya nung dalawang bata" sabay turo sa amin. Kung maka bata?! 16 na ako! Turning 17!

Kumunot yung noo ng babae at bigla siyang tumawa ng malakas. Nagkatinginan kami nung mga pulis. Okay weird. Isa rin atang baliw 'to. 

Maid For Rent (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon