♡ Chapter 3 ♡

441 26 2
                                    

|| Irene's POV ||

Its nice to meet you again ?? Utot niyo , bwisit . Kapal ng mga pagmumukha ninyo , pagkatpos niyo kaming lokohin ?? Nyeta .

"Teka , nice to meet you again ?? Bat may again ?? Nagkita naba kayong lahat ??" Tanong ni MB samin .

"Syempre naman manager , hindi naman namin sasabihin yung word na again pag hindi pa kami nagkikita diba ??" Irap ni Jhope , kaya sinamaan siya ng tingin ni MB .

"Abang kabayo ka , sino nagturo sayo na irapan mo ako ?? Halika , itutusok kita gamit ang baba mo" sabi ni MB at akmang hahawakan na sana niya yung baba ni Jhope kaso umepal si MR .

"Ano ba kayo , mamaya na nga kayo magtusukan diyan . Nakakainis kayo -___-" sabi niya kaya nag peice sign lang si MB .

"Okay so yun nga , kaya ko kayo pinatawag kasi magiging partner kayo sa pagmodel" - MB

"PO ?!!" sigaw nina V , syempre hindi na kami sisigaw kasi alam na namin -___- .

"Bakit , angal ba kayo ??" tanong ni MR kaya umiling sila , saka tumingin naman samin si MR .

"Syempre hindi kami aangal , manager . Wala na kaming magagawa eh" - Wendy .

Tumango naman si MR saka may binulong siya kay MB , at maya maya ngumiti sila ng nakakaloko at nag high five .

"Since kilala niyo na ang isat isa , titira kayo sa iisang bahay" sabi nilang dalawa kaya nanlaki ang mga mata namin .

"PO ?!!" Sigaw naming lahat , tumango naman sina manager .

"Pero , bakit pa namin tumira sa iisang bahay ??" Tanong ko .

"Wala lang , kasi kung oras na sa pagphoto shoot niyo . Pupunta nalang kami sa bahay niyo at pagsasabihin namin kayo" - MR

"Pero , pwede niyo naman kaming itxt man lang diba ?? Oh tawagin" - Wendy .

"sayang kasi yung load eh , huehue" - MB .

"Sige manager , payag na ako sa plano niyo . Kelan kami lilipat ??" Napatingin naman kaming lahat sa sinabi ni Jimin .

"Actually , bukas . Kaya paguwi niyo mamaya sa dorm niyo , magimpake nalang kayo . kasi maghahanap pa kami ng bahay na matitirhan niyo" - MR .

"PO ?!! BUKAS AGAD ?!!" biglang sigaw ni Seulgi.

"Yes , may problema kaba dun ??" - MR

"ah wala po , manager" sabi niya kaya napatango nalang si MR at MB .

"Okay , wala nang problema ahh ?? Malinaw na yung lahat , at wala nang aangal ah ??" Tanong ni MB kaya tumango kaming lahat .

"kung sa ganun , pwede na kayo makabalik sa dorm niyo" sabi ni MR kaya nagsilabasan na kami sa office .

aalis na sana kami ng bigla nalang ako hinila ni V papalayo sa kanila , nakita ko pa nga na sisigaw sina Wendy kaso hinila din sila ni Jimin .

"Aray , oyy V . San mo ako dadalhin ??" Tanong ko pero dinedma lang niya ako , wow ah ??

Hila hila lang niya ako hanggang sa makarating kami sa may storage room , pumasok kami dun saka niya nilock yung pintuan .

"Bat mo ako dinala dito ?? May balak kabang irape ako ??" Tanong ko pero tinaasan niya ako ng kilay ko .

"Wag kang feeling , dinala kita dito kasi mag uusap tayo"

"Edi okay , ano ba yun ?? Pakibilisan kasi mag iimapke pa ako diba ?? At gag--"

"Bat hindi mo sinabi sakin ??" Biglang sabi niya sakin .

"Huh ?? Na alin ??"

"Na aalis ka pala papunta sa Korea"

"V , alam mo namang hindi ako bobo diba ?? Kasi kapag sinabi ko sayo , malamang susundan mo ako . Tch"

"Wag ka ngang mag feeling , ano akala mo . Susundan kita ?? utot mo , pababayaan lang kita umalis para hindi ko na makita pagmumukha mo" sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin .

"Di joke lang , alam mo namang hindi ko kayang wala ka diba ?? So bat kita pababayaan na umalis ??" Sabi niya ulit kaya napairap ako .

"Talaga ?? hindi mo ako papabayaan sa pag alis , para ano ?? Para matuloy yung plano niyo ni Mark na lokohin ako ?? Para sagutin ka ni Eunji ?? Ano na ?? Kayo na ba nung pagka alis ko ??"

"Irene , hindi yun . Hindi mo kasi ako maintindihan , hindi mo kasi ako pinapaexplain eh"

"Ano paba kasi yung eexplain mo sakin ?? Na Explain na sakin ni Mark ang lahat ng nangyari , ano ba yung ginawa ko sayo para lokohin mo ako ??" Tanong ko at tumulo yung luha ko , umiwas naman siya ng tingin saka yumuko .

"Sorry ..."

"Sorry ?? Ano pa bang magagawa yung sorry mo kung nangyari na itong lahat ?? Akala mo sa simpleng sorry mo mapapatawad kita ?? *chuckles*" tawa ko ng mahina kaya napatingin siya sakin , umiiyak din siya .

"Tandaan mo ito V , kahit anong mangyari . Hinding hindi na kita mapapatawad at mamahalin pa , kasi sawang sawa na ako sa pangloloko mo sakin" sabi ko saka pinunasan ang luha ko at umalis na .

-----

Look Into My Eyes 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon