|| Wendy's POV ||
Kanina pa akong nagm-mukmok dito sa kwarto namin ni Jimin. Naiintindihan ko naman kung bakit ganun umasta sina Seulgi sakin eh, alam ko namang nag aalala lang siya.
Pinunasan ko na yung luhang tumutulo sa mukha ko saka huminga ng malalim, nakapagdesisyon na ako.
Tatanungin ko si Jimin mamaya kung papanindigan ba niya ako kung sakaling mabuntis man ako.
Kung nagtataka kayo kung bakit tinatanong ko agad ito sa kanya, kahit hindi pa man ako buntis. Well, gusto ko lang makasigurado. Hindi na ako maghihintay na mabuntis na ako saka ko siya tatanungin kung papanindigan ba niya ako, pano kung 'hindi' pala ang sagot niya?
Pumasok ako sa CR saka hinilamos yung mukha ko, mugto na kasi yung mga mata ko sa kakaiyak eh. Akalain niyo yun, ang aga aga, haggard na agad yung feys ko.
Nang matapos na ako, nakaramdam naman ako ng uhaw kaya naisipan kong bumaba muna para uminom ng tubig.
Hindi ko alam kung nandun paba sina Kei sa baba, at kung sakaling nandun pa siya, wala akong pake. Kaya ko na siyang kalabanin ngayon.
Nang pagkalabas ko sa room namin, nakita ko si Jimin atsaka si Yeri na mukhang nag uusap. Ohmygod, dont tell me, may secret affair silang dalawa?
Dahil sa curious ako, medyo lumapit ako sa kanila saka nagtago sa gilid.
"Assuming kana nga, bingi pa. Ang sabi ko, kung sakali lang. Tsk" rinig kong sabi ni Yeri.
"Bat mo naman yan nasabi?" Tanong ni Jimin, teka. Ano bang pinaguusapan nila?
"Like duh?! Diba may nangyari na sainyo? Tinatanong ko lang kung papanindigan mo ba si unnie kung mabuntis ba siya" muntik na akong magpakita sa kanila kung hindi ko lang pinigilan yung sarili ko, alam ko namang ako yung pinaguusapan nila eh. Pero bat ba sinabi yun ni Yeri?
"Teka, alam mong may nangyari samin?"
"Kakasabi ko lang diba? Tsk. Wag mo na akong paulit ulitin pa, sayang laway ko"
"Nagtatanong lang eh, pano mo nalaman na may nangyari samin?"
"Teka, kung ako nagtatanong, nagtatanong ka din. Sagutin mo muna yung tanong ko, tapos sasagutin ko din yung tanong mo. Papanindigan mo ba si Wendy unnie kapag nabuntis siya?" Napakagat naman ako sa mga labi ko sa tinanong ni Yeri kay Jimin, loka loka talaga toh. Inunahan pa ako sa pagtanong.
Hindi siya nakasagot agad, pero maya maya nakita kong nagkibit balikat siya. What?
"Hindi ko alam" sabi niya kaya kumunot yung noo ni Yeri.
"What? Hindi mo alam?" Tanong ni Yeri kaya tumango siya.
Nanhina yung mga tuhod ko kaya napatumba ako, malakas yata yung pagkakatumba ko kasi nagkaroon iyon ng ingay kaya napatingin agad si Yeri sakin.
BINABASA MO ANG
Look Into My Eyes 2
FanfictionPairings: • VRene • SeulHope • WenMin • JoyKook • YeriMon © gracyeol: Thanks for the cover eonnie ツ --- Started: December 8, 2015 Ended: January 8, 2017