♡ Chapter 49 ♡

142 15 0
                                    

After 5 years ...

|| Yeri's POV ||

"Namjoon oppa! Bilisan mo na kasi baka mahuli na tayo eh!" Inis na sabi ko habang nakasandal sa may pinto.

"Teka lang, matatapos na ako. Mauna ka nalang muna sa baba, susunod nalang ako" sabi niya habang nagsosout ng pantalon.

Napairap naman ako sa kawalan atsaka lumabas nalang. Dont get me wrong. Wala pang nangyayari samin ni Namjoon oppa, we barely kiss but not you know?

Kasi baka patayin ako ng mga unnies ko kung ginawa na namin ni Namjoon oppa. Pinangako ko kasi sa sarili ko na gagawin ko na 'yun' kapag nakasal na ako sa taong mahal at mamahalin ko habang buhay.

Nang makababa na ako, nakita ko si Joy unnie atsaka si Seulgi unnie na nakaupo sa sala.

"Unnies, asan na sila?" Tanong ko.

"Nauna na yung mga boys, masyadong excited. Aasarin daw nila si pandak kasi binata na daw siya. At si Irene unnie naman, sinamahan si Wendy unnie kasi diba kailangan niya mauna dahil aayusin pa siya?" - Joy unnie.

"Eh si Peter, nasaan?"

"Kasama ng mga boys, sila daw magdadala sakanya" kibit na balikat na sabi ni Seulgi unnie.

Tumango naman ako atsaka umupo sa tabi nila. Si Peter ay anak nina Wendy unnie atsaka Jimin oppa. Nabuntis si unnie 5 years ago. Pinanagutan naman siya ni oppa kaya okay lang.

Si Jhope oppa yung nakaisip na pangalan na Peter kasi kung may Wendy daw kami, dapat din daw may Peter. Mukhang nauto sina unnie at oppa at pumayag sa naisip ni Jhope oppa.

"Tara na guys, baka malate na tayo eh" sabi ni Namjoon oppa kaya tumayo na kami nila unnie.

"Buti alam mo yan, oppa" irap ko kaya tinawanan lang niya ako at inakbayan.

"Ikaw naman babe, napakasungit mo. Kaya love na love kita eh" malambing na sabi niya at hinalikan ako sa noo at sa lips.

"Oops, owemji. SPG, PDA" Tinakpan pa ni Joy unnie yung mga mata niya na parang nandidiri kaya binatukan siya ni Seulgi unnie.

"Loka Loka" natatawang sabi ni Seulgi unnie kaya napatawa nalang kami ni Namjoon oppa.

*****

|| Joy's POV ||

Nang makarating na kami sa SM Ent. building, agad kaming nagpaalam kay RapMon oppa at lumabas na kami sa sasakyan.

Ihinatid lang niya kami dito kasi pupunta siya sa BigHit Ent. Building. Dito kasi kaming mga babae mag aayos sa entertainment namin, habang yung mga boys, sa entertainment naman nila.

Sabay kaming tatlo pumasok at agad kaming pumasok sa isang kwarto kung san kami dapat ayusin para sa kasal ni Wendy unnie.

Ngayon na kasi yung araw na kasal ni Wendy unnie at Jimin oppa eh. After 5 years nilang magkarelasyon, magpapakasal na din sila. Im so happy for unnie.

Pero sabagay, kailangan na talaga nila magpakasal kasi may anak na sila. And to remind you, 4 years old na si Peter.

"Irene unnie, si Wendy?" Agad na tanong ni Seulgi unnie kay Irene unnie nang makapasok na kami sa kwarto.

"Andun sa dressing room, sinosout na yung gown niya" sabi ni unnie na nakaupo sa sofa.

Umupo naman sa tabi niya si Seulgi unnie at niyakap niya si unnie.

Nakakaalala na pala si unnie saming lahat. Nakaalala na siya nung 2 years ago. Medyo matagal tagal siyang nakaalala kasi natatakot kaming ipaalala sa kanya nung mga nangyari noon kasi palagi siyang nawawalan ng malay kapag nakakaalala siya kahit konti.

Madaming nangyari na hindi maganda sa kanila ni V noong mga 2 years ago pa. Maraming nangyaring complicated sa kanila. Madaming kontrabida sa lovestory nila.

Nag antay pa kami ng ilang minuto nang dumating na yung mag aayos namin kaya nagsiupo na kami sa upuan.

Habang inaayos ako, biglang tumunog yung phone ko kaya tiningnan ko iyon.

Napangiti naman ako ng makita ang pangalan ng boyfriend ko dun.

Calling: Jungkookilong <3

Sinagot ko naman yun at linagay sa tenga ko. Magsasalita palang sana ako ng magsalita siya sa kabilang linya.

"Joy, tandaan mo. Kahit anong mangyari, mahal na mahal kita"

Yun lang ang sinabi niya. Pagkatapos nun ay nakarinig ako ng sigawan ng mga tao at pinatay na niya yung tawag.

Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako sa nangyari.

Anong nangyari Jungkook?

*****

Look Into My Eyes 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon