|| V's POV ||
Magsisinungaling ba ako? Oh magsasabi ng totoo? Fck.
Kung sabihin ko naman yung totoo, baka magalit sina Manager sakin. At ayoko din namang ibash nila si Irene.
Pero kung magsinungaling naman ako, para namang linoloko ko yung sarili ko nun. Atsaka hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na maging sinungaling.
Talaga lang V ha? Talaga?
"Sir? Back to earth, sir?" Natauhan naman ako sa sinabi ng nurse.
"A-Ah, ano ulit ho yun miss?"
"Tinatanong ko po kung girlfriend niyo ho ba si Ms. Irene? Kasi kung kayo nga, yung barko ko aandar na" sabi niya na parang kinikilig.
Ano? Yung barko niya aandar na? Anong connect dun kung umamin na ako?
"Huh? Yung ano niyo po?"
"Yung barko ko po, aandar na kapag sinabi niyong kayo na ni Ms. Irene"
"Huh? Anong ibig sabihin nun?" Napatawa naman siya ng mahina sa sinabi ko.
"Ang ibig ko pong sabihin ay my ship is sailing. Shiniship ko po kasi kayo ni Ms. Irene simula noon eh. Tapos nandito ako ngayon at nakita ko kayong dalawa, like owemji. My Vrene feels" kinikilig na sabi niya.
Ship is sailing?
Shiniship?
Vrene feels?
"Vrene? Ano po yun?" Takang tanong ko.
Tiningnan naman ako ng nurse na parang napugutan ako ng ulo habang nagulat siya.
"Sir, vrene po. Parang pinaghalong ngalan ninyo ni Ms. Irene. V plus Irene is equals to Vrene. Hart Hart" tili niya.
Kumunot naman yung noo ko. Meron pala yun?
"Ahm sir, sige po. Alis na ako. Sa susunod nalang niyo sagutin yung tanong ko kasi baka hinahanap na ako ng mga kasama ko eh" paalam niya sakin saka lumabas na.
Napakamot naman ako sa ulo ko nang dahil sa babaeng yun. Weird.
Nagkibit balikat nalang ako atsaka lumingon kay Irene na mahimbing pa din ang tulog. Mabuti naman hindi to nagising dahil sa ingay ng babaeng yun.
Kanina pa kasi siyang tili ng tili, nakakainis. Nakakarindi na sa tenga.
*poke* *poke*
"Hm, Mark. Wag mo akong istorbohin, natutulog pa ako"
Ano daw? Mark? Fck.
"Still Mark huh?"
Agad siyang napabangon sa higaan kung bakit sumakit yung ulo niya.
"Aray!"
Agad ko naman siyang inilalayan sa pag upo sa kama. Yan. Ang kulit kasi eh.
"Magdahan dahan ka kasi, alam mo namang may sugat yung ulo mo eh. Tsk" sabi ko atsaka kinuha yung isang maliit na mesa at pinatong iyon sa higaan niya.
"Oh, kumain ka muna para makainom ka ng gamot mo"
Hindi siya nagsalita at tiningnan lang niya ako. Napangisi naman ako. Ngayon gwapong gwapo na siya sakin? Parang kagabi lang si Mark yung gusto niya ah? At halos itulak niya ako palayo dahil sa naiinis siya sa mukha ko.
"Alam kong gwapo ako, pero wag mo naman akong titigan kasi baka maluwas ako niyan" natatawa kong sabi kaya inirapan niya ako.
"Nasaan si Mark?" Tanong niya kaya napawi yung ngiti ko.
Fck. Si Mark nanaman. Kailan kaya mangyayari na ako naman hahanap hanapin mo?
Hindi ako sumagot at tumalikod sa kanya. Inatupag ko nalang yung mga prutas na nagkakalat sa mesa.
"Oy, asan nga si Mark?"
Hindi ko ulit siya pinansin. Bahala ka diyan maghanap sa Mark mo. Habang nag aayos ako, naramdaman kong binato niya ako ng unan kaya inis ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin.
"Hindi ko alam okay?! Kaya wag mo akong istorbohin dahil busy ako!"
Nagpatuloy ako sa pag aayos ng mga prutas ng binato uli niya ako ng unan.
"Sinabi ko ngang hindi ko alam diba?! Hindi ako tanungan ng nawawala kaya wag kang magtanong ng ganyan sakin, tsk" inis na sabi ko sa kanya.
Natahimik naman siya ng ilang segundo pero nagulat nalang ako na bigla siyang sumigaw kaya agad akong napalingon sa kanya.
"Ah! Araaay!" Sigaw niya at nakita kong hinahawakan niya yung ulo niya at sumisigaw ng dahil sa sakit.
Agad ko siyang linapitan at hinawakan.
"Irene? Okay kalang? Anong nangyari?"
Pagkatapos kong tanungin iyon, bigla nalang siya nawalan ng malay kaya nataranta ako.
Fck. Fck.
Mabilis akong lumabas sa kwarto at tinawag yung Doctor.
Nang makatawag na ako, bumalik kami sa kwarto para tingnan niya si Irene.
Medyo natagalan lang siya sa pag check kay Irene kaya lalo akong kinabahan.
God. Dont tell me, mamamatay na siya? Fck. Wag naman sana ngayon. Hindi ko pa kaya, please.
*****
A/N: Charot, OA lang V? Mamamatay agad? Hahaha. Ayan po, 5 Chapters yung napublish ko (napublish ko po yung isa kahapon). Pampabawi kahit alam kong kulang pa yun, haha. Tatapusin ko na talaga ito, promiise.
BINABASA MO ANG
Look Into My Eyes 2
FanfikcePairings: • VRene • SeulHope • WenMin • JoyKook • YeriMon © gracyeol: Thanks for the cover eonnie ツ --- Started: December 8, 2015 Ended: January 8, 2017