♡ Chapter 47 ♡

122 10 0
                                    

|| Irene's POV ||

*poke* *poke*

"Hm, Mark. Wag mo akong istorbohin, natutulog pa ako"

"Still Mark huh?"

Agad akong napabangon sa higaan kung bakit sumakit yung ulo ko.

"Aray!" Agad naman akong inilalayan ni V sa pag upo sa kama.

"Magdahan dahan ka kasi, alam mo namang may sugat yung ulo mo eh. Tsk" sabi niya atsaka kinuha yung isang maliit na mesa at pinatong iyon sa higaan ko.

"Oh, kumain ka muna para makainom ka ng gamot mo"

Hindi ako nagsalita at tiningnan ko lang siya. Hindi ko alam kung bakit pero parang familiar yung ginagawa niya sakin ngayon.

"Alam kong gwapo ako, pero wag mo naman akong titigan kasi baka maluwas ako niyan" natatawa niyang sabi. Inirapan ko nalang siya at linibot yung paningin ko sa kwarto.

"Nasaan si Mark?" Tanong ko kaya napawi yung ngiti niya.

Hindi siya sumagot kaya nairita ako at hindi ko alam kung bakit.

"Oy, asan nga si Mark?"

Hindi ulit niya ako pinansin kaya binato ko ng unan yung likod niya para humarap siya sakin. Nakatalikod kasi siya sakin, at abala siya sa pag aayos ng mga prutas sa mesa.

Inis na liningon niya ako at sinamaan ng tingin.

"Hindi ko alam okay?! Kaya wag mo akong istorbohin dahil busy ako!"

Kumunot naman yung noo ko. Busy? Busy sa pag aayos ng mga prutas?! Binato ko uli siya ng isang unan kaya lumingon nanaman siya sakin na naiinis na.

"Sinabi ko ngang hindi ko alam diba?! Hindi ako tanungan ng nawawala kaya wag kang magtanong ng ganyan sakin, tsk" inis na sabi niya atsaka tumalikod ulit sakin.

"Sinabi ko ngang hindi ko alam diba?! Hindi ako tanungan ng nawawala kaya wag kang magtanong ng ganyan sakin, tsk" sabi niya at nauna na pumunta sa photographer.

Bigla namang sumakit yung ulo ko sa naalala ko.

"Ah! Araaay!" Sigaw ko kaya agad na napalingon sakin si V at mabilis na lumapit sakin.

"Irene? Okay kalang? Anong nangyari?"

Bago pa ako makasagot sa tanong niya, nandilim na yung paningin ko at tuluyan na akong bumagsak.

*****

(Ito yung oras na umalis si V sa bahay nila at yung hindi pa nawalan ng malay si Irene)

|| V's POV ||

Nang naiparada ko na nang maayos yung kotse, agad akong lumabas sa sasakyan at patakbong pumasok sa loob ng hospital.

Napahinto naman ako ng makita ko si Mark sa labas ng pintuan ni Irene, mukhang may kausap siya sa cellphone niya.

"Look, Eunji. Ayoko na sabi diba? Alin dun ang hindi mo maintindihan?" Inis na sabi ni Mark.

"Hindi ako uuwi, nasa hospital ako ngayon kung nasan si Irene. Dito ako matutulog" napakunot naman yung noo ko sa sinabi niya.

Dito ka matutulog? Lul. Itlog mong maliit. Hindi ako papayag.

"What?! Pupunta ka dito? Fck. Eunji, wag kang pumunta dito. Im warning you"

Huminga naman ng malalim si Mark atsaka hinilamos yung mukha niya gamit yung kamay niyang madumi. Ew.

Bat ba humawak si Irene sa kamay ng unggoy na yun? Hayaan mo, lilinisin ko yang kamay mo Irene para wala nang germs sa kamay mo.

Siya ang may germs Irene, hindi ako. Safeguard kaya yung sabon ko. Kaya hindi ko alam kung bakit sinasabi ni Irene na may germs yung kamay ko.

Eh safe naman dahil may guard yung kamay at katawan ko para iwas germs. Tsk. Si Irene talaga.

"Fine, uuwi ako. Basta wag kang pupunta dito" binaba na niya yung phone niya at mabilis na umalis.

Hindi niya ako nakita kasi bulag siya at mukhang nagmamadali yung mokong na yun.

Pumasok ako sa kwarto ni Irene at nakita kong natutulog na siya. Napangiti naman ako saka pumasok ng tuluyan at linock ko yung pinto, para walang distorbo.

Kumuha ako ng bimpo sa mesa at binasa ko iyon ng konti. Umupo ako sa gilid ng kama ni Irene at hinawakan yung kamay niya.

Pinunasan ko yung kamay niya gamit yung bimpo pata matanggal yung germs niya. Hinawakan kasi siya ni unggoy eh.

Pinunasan ko na din yung mukha niya kung sakaling hinawakan siya ni unggoy dun.

Nang matapos ko na siyang punasan, binalik ko yung bimpo sa mesa at bumalik sa pag upo sa kama ni Irene.

Hinawakan ko yung kamay niya at pinagsiklop ko iyon. Hinalikan ko siya sa noo niya at bumulong.

"Mahal na mahal kita Irene"

***

*KNOCK KNOCK*

Nagising naman ako ng dahil sa katok ng pinto. Tiningnan ko yung oras at nakita kong alas syete na pala ng umaga.

Tumayo ako sa sofa at binuksan yung pinto.

"Uhm, goodmorning po sir. Eto po yung pagkain at gamot ng pasyente" ngiti sakin nung nurse kaya ngumiti din ako sa kanya pabalik.

Tinanggap ko iyon at linagay sa mesa. Gigisingin ko na sana si Irene nang makita kong nandun pa yung nurse sa may pinto, at mukhang may sasabihin pa.

"Bakit miss?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Nahihiya naman niyang kinuha yung phone niya at lumapit sakin.

"Uhm, pwede po bang magpa picture sainyo? Fan niyo po kasi ako eh" sabi niya kaya napatawa nalang ako.

Tumango naman ako kaya lumapit siya sakin at nagpose. Inakbayan ko naman siya at ngumiti sa camera.

Pagkatapos nagbow siya sakin at tinuro si Irene.

"Gusto ko po sana makipag picture sa kanya kasi fan po ako ng Red Velvet eh. Kaso nagka amnesia siya at natutulog pa siya. Pero, ano niyo po si Ms. Irene? Bakit ikaw po yung nagbabantay at hindi yung manager nila? Boyfriend ka po ba niya?" Tanong niya na ikinagulat ko.

Sasabihin ko ba yung totoo? O magsisinungaling ako?

*****

Look Into My Eyes 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon