♡ Chapter 26 ♡

348 20 0
                                    

|| Seulgi's POV ||

What? He still loves me? Pano? Bakit?

Hindi ako nagsalita oh lumingon man lang sa kanya, parang nahinto ako sa kinatatayuan ko dito malapit sa pinto.

Naramdaman yata niya na wala akong balak magsalita kaya binitawan na niya yung braso ko saka huminga ng malalim.

"Alam ko yang iniisp mo, siguro nag tataka ka kung bakit, diba? Kahit na may fiance na ako, ikaw pa din yung mahal ko"

Ang galing mo, yan nga yung iniisip ko. Idol na kita kasi nahulaan mo yung iniisp ko, pwede ka nang manghuhula. Kaso masyadong nakakadistract yang baba mo, kaya nvm. Hindi na pala kita idol.

Ano ba, Seulgi! Magtino ka nga, seryoso siya kaya dapat magseryoso ka din. Hindi siya nakikipagbiruan sayo.

Pero, pano ako mag seseryoso sa sinabi niya? Parang mahirap maniwala na mahal pa din niya ako, after 5 years? At may fiance na siya, halata namang mahal nila yung isat isa.

Kung makinig ka nalang kaya sa explanation niya noh? Hindi yung magiinarte ako dito, tsk. Teka, nagmumukha na akong baliw dito. Kinakausap ko yung sarili ko sa isip ko.

Napailing nalang ako sa pag iisip ko, mukha na talaga akong baliw.

"A-Anong ibig sabihin yang iling na yan? Hindi mo na ba ako mahal? Putsa, hindi pa nga ako nagtanong ng isa pang chance sayo, busted na agad" sabi niya kaya lumingon agad ako sa kanya saka umiling.

"Hindi, hindi. Iba yung ibig sabihin ng iling ko" napakunot uli yung noo niya sakin.

"Tungkol saan naman yung iling na yun?"

"Wala, umiling lang ako dahil sa mga iniisip ko" sabi ko, lumapit naman siya sakin kaya napaatras ako.

Lumapit pa siya sakin hanggang sa mapasandal na ako sa pinto, linagay niya yung dalawang kamay niya sa magkabilang ligid ko para wala na akong kawala.

"Ano naman yang iniisip mo?" Tinaasan niya ako ng kilay niya.

Akala ko ba manghuhula toh? Mabuti nalang hindi na kita naging idol kanina dahil sa baba mo, kaya thankful ako dun. Akalain mo yun? Malaki pala yung tulong nang baba niya?

Tsk, eto ka nanaman Seulgi eh. Kita ngang seryoso nga siya tapos nagbibiro kapa? Haay, Isa pa tong isip ko. Isa nalang magpapalit na ako ng utak -_-.

Edi mag palit ka! Akala mo namang kaya m--

"Uy, tinatanong kita tapos hindi ka man lang sumasagot?" Naputol yung pag iisip ko dahil pinitik nitong kabayong toh yung noo ko.

"Bakit ba? Dapat bang kada tanong mo, kailangan isasagot ko?"

"Malamang, kada tanong may sagot. Kaya kapag may nagtanong sayo, dapat isagot mo din"

"Kahit hindi ko alam yung sagot? Sasagot pa din ako?"

"Oo nga sabi eh, kung hindi mo alam yung sagot, sabihin mo nalang na hindi mo alam. Atleast nasagot mo na yung tanong, tsk" sabi niya kaya binatukan ko siya.

"Gago, bwisit. Umalis ka nga diyan" sabi ko habang tinutulak ko siya palayo sakin, pero dahil sa mas malakas siya, hindi ko kaya.

"Ayoko, sagutin mo muna yung tanong ko sayo kanina"

"Ano ba yung tanong mo kanina? Bwisit toh"

"Tsk, sabi ko. Ano bang iniisip mo at napailing ka nalang?"

"Wala kang pakialam. Ayan, sinagot ko na yung tanong mo. Kaya pwede bang umalis kana diyan?" Umiling naman siya sakin sabay ngisi.

"Ayoko, may isa pa akong tanong" sabi niya kaya napa irap ako.

"Ano ba yun? Sabihin mo na, para maka alis na ako. Like duh?! Ikaw nagsabi sakin na makipagbati na ako kay Wendy" irap ko uli sa kanya, tumikhim naman siya saka tumingin ng seryoso sakin.

"Mahal mo paba ako?" Seryosong tanong niya sakin, napatingin naman ako sa mga mata niya.

Bat ba niya tinatanong sakin toh? May fiance siya, fck. Ano toh? Ginagawa niya akong kabit?

"Pano si Mijoo?" Mahinang tanong ko sa kanya, nang dahil sa sinabi ko. parang alam na niya yung sagot sa tanong niya kaya yinakap niya ako.

And yes please. Mahal ko pa din siya, ayoko lang maging selfish. May fiance nga kasi siya, ayokong maging kabit.

"Inarrange marriage lang nila kami, hindi ko siya mahal" sabi niya at hinigpitan niya yung yakap niya sakin. Yinakap ko na din siya pabalik.

"Bakit ka nakipaghiwalay sakin noon?" Tanong ko sa kanya saka tumulo yung luha ko. Naalala ko nanaman kasi yung nangyari sakin, samin noon.

Mukhang narinig niya yung mga hikbi ko kasi hinagod niya yung likod ko.

"Shh, wag kang umiyak. Sasabihin ko sayo yung totoong nangyari, wag ka lang umiyak. Please?" Humiwalay siya sa yakap namin saka pinunasan yung mga luha ko, gamit ang mga kamay niya.

Tumango naman ako sa sinabi niya kaya napangiti siya sakin.

*****

A/N: Next UD ko ay sa saturday. Every saturday na lang ako mag u-update, pero hindi lang isang chapter yung ip-publish ko. Its either 2,3,4 or kahit ilan, depende lang sakin yun. Parang kasi ako yung nabibitin kapag isang chapter lang sa isang araw yung nap-publish ko eh ∩__∩V.

Look Into My Eyes 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon