♡ Chapter 21 ♡

355 24 17
                                    

(A/N: Itong chapter na ito ay parang same day dun sa Chapter 13, para hindi kayo malito)

|| Jungkook's POV ||

Nakakainis. Bakit pa kasi kami kailangan sumama dun sa hospital? Kaya naman nila Yein pumunta dun magisa, atsaka nandun naman si RapMon hyung.

"Jungkook" napalingon naman ako kay V hyung nang tinawag niya pangalan ko.

"Bakit hyung?"

"Minsan talaga hindi ko maintindihan yung mga babae eh, parang sinampal lang ni Yeri si Baby Soul, tapos nahimatay agad? Grabe"

"Malamang hindi mo sila maiintindihan hyung, kasi lalaki ka at babae sila. Atsaka alam ko namang arte lang niya yung pagkahimatay niya, tsk"

"Pano mo nalaman na arte lang ni Baby Soul yun? Manghuhula kaba?"

"Tanga, hindi. Try ko kayang sampalin kita, at tingnan natin kung mahihimatay ka"

"Malay mo diba? Try mo ngang sampalin ako, dalii" sabi ni V hyung sakin, napa iling naman ako saka sinampal ko siya ng malakas.

*PAAK*

"Oh? Nahimatay kaba? Hindi naman diba? Arte lang kasi niya yun" sabi ko atsaka umayos na ng upo.

Nasa hospital na kasi kami, at naka upo lang kami ni hyung dito sa mga upuan sa hallway. Ayaw kasi naming sumama kina RapMon hyung kaya nagpa iwan lang muna kami dito.

"Aray, ang sakit nun ah?" Reklamo ni V hyung habang nakahawak siya sa pisngi niya.

"Sabi mo kasi sakin na sampalin kita, kaya ginawa ko"

"Hindi ko naman kasi aakalain na masakit pala yung pagkakasampal mo" sabi niya kaya napatawa nalang ako.

Nag usap usap pa kami ni V hyung dito nang makita namin si Jimin kasama si Kei patungo sa pintuan, hindi yata nila kami napansin kasi mukhang nagmamadali sila eh.

"Si Jimin at si Kei yun diba? San sila pupunta?" Turo ni hyung sa kanila ni Jimin hyung, nagkibit balikat naman ako habang nakatingin sa kanila.

"Guys, nandito lang pala kayo. Kanina ko pa kayo hinahanap eh" napalingon naman kami ni V hyung sa nagsalita, at nakita namin si Jhope hyung na nakahawak sa tuhod niya habang hinihingal.

Look Into My Eyes 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon