|| RapMon's POV ||
"ANO?!" Sabay na sigaw nila V, Jhope tsaka Jin hyung.
"Maknae bat mo yun ginawa?!" - Jin hyung.
"Ano ba kasing problema niyo kung sinabi ko yun?! Kaya ko lang naman yun ginawa kasi sa tingin ko yun yung tama" - Jungkook.
"Tama?! Hindi mo ba alam na dahil sa ginawa mo, Pwedeng magsumbong si Yein sa mga magulang niya na hindi mo pala siya minahal, tapos dadating yun sa mga magulang mo. Gusto mo ba talagang mapahamak si Joy?!" inis na sabi ni Jin hyung habang nakatayo na. Tumayo din si Jungkook dahil sa inis saka hinarap si hyung.
"Alam ko yun yung mangyayari, kaya nga ginawa ko eh"
"Alam mo naman pala pero bat mo yun ginawa?" - V.
"Aissh, kasi nga sa tingin ko yun yung tama kong gawin"
"Hindi nga kasi tama yang ginawa mo, maknae. Mapapahamak sila Joy sa ginawa mo" - Jimin.
"Kung mapapahamak man siya, edi ipaglalaban ko siya. Kung paghiwalayin man kami ng mga magulang ko, hindi ako papayag. Ipaglalaban ko si Joy kahit na anong mangyari"
"Alam ko yung ginagawa ko, alam kong magsusumbong si Yein sa mga magulang niya kung sabihin ko sa kanya yung totoo. Ayoko nang masaktan si Joy nang dahil ulit sakin, at hindi ko na siya papakawalan pa. Kaya ko siyang ipaglaban sa mga magulang ko" sabi niya saka naglakad na sa pinto, pero bago pa siya makalabas, tumingin ulit siya samin.
"Kaya ko yun ginawa kasi kaya kong ipaglaban si Joy. Kayo? Hindi niyo ba kayang ipaglaban sina Irene noona kaya hindi niyo sinasabi yung totoo sa mga fiance niyo? Tsk" saka tuluyan na siyang umalis dito sa rooftop.
BINABASA MO ANG
Look Into My Eyes 2
FanfictionPairings: • VRene • SeulHope • WenMin • JoyKook • YeriMon © gracyeol: Thanks for the cover eonnie ツ --- Started: December 8, 2015 Ended: January 8, 2017