|| Seulgi's POV ||
Habang inaayusan ako, tumunog yung phone ko kaya tiningnan ko iyon.
Calling: Horsey-Hobii <3
"Hel-"
"Seulgi, k-kahit anong mangyari s-sakin or sayo. Tandaan mong m-mahal na mahal kita, o-okay?"
Kumunot naman yung noo ko dahil sa nangingining niyang pagsabi sakin ng mga salitang iyon.
"Ha? Anong ib-"
Hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi may narinig akong sigawan ng mga tao at tinapos na niya yung tawag.
Tiningnan ko pa ng ilang sandali yung phone ko at agad kong hinanap yung numero ni Jhope at sinubukan ko siyang tawagan uli.
Hindi niya sinasagot kasi panay ring lang ng ring yung phone kaya agad ko itong pinatay.
Fudge. Anong nangyari kina Jhope at bakit may mga nagsisigawang mga tao? At bakit nangingining yung boses niya?
Fudge, nababaliw na ako sa kakaisip kung anong nangyari sayo Jhope.
*****
|| Wendy's POV ||
"Ah, Ms. Wendy?" Tawag sakin ng isang staff habang inaayusan ako.
"Hm? Bakit?"
Binigay naman niya sakin yung phone ko.
"May tumatawag po kasi sayo eh" sabi niya kaya tumigil yung isang babae sa pagmmamake up sakin para tingnan yung phone ko.
Calling: ChimChim Pandak <3
Nakangiti ko namang sinagot yun, pero agad na napawi yung ngiti ko sa sinabi niya.
"Wendy, fck. Mahal na mahal kita. At sorry dahil nangyar-- V HYUNG!"
Hindi ko na nasundan yung sasabihin niya dahil narinig kong mga nagsisigawan ng tao at putukan ng mga baril sa kabilang linya kung nasan si Jimin.
"A-Ano? J-Jimin!" Nauutal na sabi ko habang nasa tenga pa din yung phone ko kahit pinatay na niya yung tawag.
Sinubukan ko ulit tawagan yung number niya kaso hindi niya sinasagot. Fck.
Napatayo ako kung bakit sila napatingin sakin.
Magtatanong pa sana sila kaso lumabas na ako sa dressing room at nakita ko sina Irene unnie na inaayusan.
Nakita kong nakatingin sina Yeri, Joy at Seulgi sa phone nila habang hawak hawak iyon.
Napatingin si Irene unnie sakin saka ngumiti.
"Wendy? Ikaw ba yan? Ang ganda mo. Pero bakit ka lumabas? Parang hindi pa tapos yung pag ayos sayo ah?" Sabi ni Irene unnie.
Pumunta ako sa sofa at kinuha yung bag ko dun at isinabit sa balikat ko. Akmang lalabas na ako nang pinigalan ako ni unnie.
"Teka, san ka pupunta?" Takang tanong niya.
"Unnie, kailangan kong pumunta kay Jimin ngayon" sabi ko habang nangingining.
"Ngayon na? Magkikita naman kayo sa simbahan eh, at hin--"
"Hindi unnie. Tinawagan niya ako kanina, at sa tingin ko may nangyaring masama sa kanila kaya pupuntahan ko siya ngayon na" naiiyak na sabi ko.
"Teka Wendy, sama ako. Tinawagan din ako ni Jhope, baka ngang may nangyaring masama sa kanila" - Seulgi.
"Ako din unnie. May narinig kasi akong sigawan ng mga tao nang tinawagan ako ni Jungkook eh" - Joy.
"Ako din mga unnies, sama ako. Natatakot ako kung baka anong nangyari kay Namjoon oppa. Hindi ako nagkakamali na nakarinig ako ng putok ng bala" - Yeri.
"Teka, anong pinagsasabi niyo? Tinawagan kayo? H-Hindi naman ako tinawagan ni V ah?" - Irene unnie at tiningnan yung phone niya.
Naalala ko yung sinigaw ni Jimin kanina sa phone bago niya pinatay ang tawag. Tinawag niya si V kanina, at nakarinig ako ng putok ng bala.
Hindi kaya?
Napatakip naman ako sa bibig ko dahil humihikbi na ako sa pag iyak.
"H-Hindi ko alam unnie, p-pero kailangan ko p-pumunta sakanila. Ngayon na *sob*" sabi ko at lumabas sa kwarto, sumunod naman sila sakin, pati na din si Irene unnie.
*****
A/N: Epilogue na po yung sunod nito. Medyo nakalimutan ko na po kasi yung totoong plot nito eh, kaya pasensya na kung ganto nangyari. Haha.
![](https://img.wattpad.com/cover/56413090-288-k732262.jpg)
BINABASA MO ANG
Look Into My Eyes 2
FanfictionPairings: • VRene • SeulHope • WenMin • JoyKook • YeriMon © gracyeol: Thanks for the cover eonnie ツ --- Started: December 8, 2015 Ended: January 8, 2017